Chapter 46

1.3K 20 4
                                    

Crystal's POV

"Napaka early mo naman magising." Napalingon ako sa pintuan ng kusina nang marinig ang boses na yun.

"Haha may bisita e." Nakangiting sabi ko at bumalik sa paghihiwa.

"The who?" Nakataas kilay na sabi niya, nangalumbaba pa sa may harap ko.

"Kaibigan ko." Sagot ko.

"Kaibigan? Hmmm then why are you smiling like that?" Sabi niya at binigyan ako ng kakaibang tingin saka nagbuhos ng kape sa mug niya.

"Tsk" sabay kaming napalingon ni Valerie sa pinto at nagulat nang makita duon si Zachary, kasunod naman ang paglagantak ng pinto at maiingay na boses ng mga kupal.

"Oh ang aga niyo rin bimwisita rito." Sabi ni Valerie sa apat.

"Nakaamoy kasi kami ng pagkain kaya pumunta kami rito." Sabi ni Jezy.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"We found out that your gonna cook today, that's why we decided to go here." Sabi naman ni Alex, kumunot ang noo ko at nagtaka.

"Paano niyo--" napahinto ako sa pagsasalita at napatingin kay Zachary.

"What?" He asked na parang walang narinig.

"Hay, de bale na nga, dapat sinabi niyo para naman dinamihan ko na." Sabi ko at napakamot sa ulo.

"Magdadagdag na lang ako" i said at nagtungo sa refrigerator at kumuha ng ingredients.

"Yeees" sigaw ni Jezy at Wayne. Napailing na lang ako at nagsimula na ulit maghiwa.

"Nakapa-aaaaaah" malakas na sigaw ko ng kamutin ko ang mata ko, nakalimutan kong naghawak pala ako ng sebuyas.

"Why?" Rinig kong sabi ni Alex sakin papunta kung saan.

"Ang hapdi, sa sebuyas, kinamot ko. Aaaah" natataranta kong sabi at pinaypayan ng pinaypayan ang mata.

"Sa lababo" rinig kong sigaw ni Valerie.

"Come on" Alex said at narinig kong binuksan niya ang gripo at naramdaman ko na lang na may naghihilamos sa mata ko.

"Open your eyes" sabi pa nito and I did what he had said. Kaso ay bigla siyang nawala sa harap ko at si Zachary na ngayon ang umiihip sa mata ko.

"Aaaaah" pinikit pikit ko ang mata ko at sinubukang buksan ng paulit uli hanggang sa unti unting nawala ang hapdi at...

"S-sorry sorry" agad akong napaiwas dahil napakalapit pala ng mukha ko kay Zach.

"Okay ka na ba?" Napalingon ako sa kanan ko nang lumapit sakin si Alex at siya ang tumingin sa mata ko.

"Y-yes yes, salamat" sabi ko at ngumiti, bumalik ako sa kaninang pwesto ko at muling kumurap kurap.

Muli akong naghiwa at sila naman ay nakaupo sa may dining area at nagkwentuhan duon. Ngunit naruon pa rin ang hapdi sa aking mata. Ngunit ay napahinto ako sa paghihiwa at pinatong ang dalawang kamay sa gilid ng pinaghihiwaan ko.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon