Chapter 50

547 13 1
                                    

Crystal's POV***

"Huwag ka nga muna pumasok." Napanguso ako at dabog na naupo. Nandito kami ngayon sa kusina para mag-umagahan. Ginising nila ako ng maaga dahil akala ko ay para pumasok pero malaman laman ko lang e, mag-aalmusal lang pala ako.

"Edi sana dinalan niyo lang ako ng pagkain sa kwarto, para hindi ako umasa ng ganito." Singhal ko tapos padabog na kinuha ang tinapay na nakalatag sa mismong harap ko.

"Ay iba rin, humugot pa. Aba wala kang yaya. Kung wala akong ginagawa baka dinalan kita." Singhal din sa akin ni Richelle.

'Paiba iba talaga siya ng ugali.'

"Nasaan ba sila?" Tanong ko.

"Pumasok e." Maangas na sagot niya. Napatango naman ako at tinignan si Richelle sa mata.

"What?" Tanong niya sabay subo ng pagkain niya.

"Bakit hindi ako papasok?" Tanong ko.

"Basta hindi pwede." Sabi nito at inirapan pa ako. Napangiwi naman ako at napakamot sa pisngi ko.

"Ano namang gagawin ko rito?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Tatawagan ko na nga lang si Han." Sabi ko at kinuha ang cellphone na nakalapag sa lamesa.

"Why?" Napatingin ako sa pinto at nagulat ng makita si Zach.

"Oh, ikaw pala." Sabi ko at napanguso nang nakatayo lang siya sa bukana ng kusina tumingin ako sa kanya tapos ay sa cellphone na hawak ko tapos balik sa kanya.

"Ay haha wala lang." Nakangiting sabi ko at binalik sa cellphone sa lamesa. Samantalang siya ay nagdirediretso hanggang sa makaupo sa tabi ko.

"Maayos na ba ang lagay mo?" Seryosong tanong niya. Tumango naman ako at tinusok ng tinidor ang hotdog saka kumagat dito.

Napatingin ako kay Zach nang bigla itong tumayo at kumuha ng pinggan at kutsara.

"Paano yan marami na akong absent?" Tanong ko kay Richelle.

"Ako na ang bahala dun." Sabi nito, napatango naman ako at muling napatingin kay Zach nang nilapag niya sa harap ko ang platong hinahainan niya kanina ng pagkain.

"Ano yan?" Takang tanong ko.

"Pagkain" pabalang na sagot nito. Napanganga naman akong tumingin sa kanya.

"Kumain ka." Sabi nito tapos ay muling naupo. Nanatili akong nakangangang nakatingin sa kanya at paulit ulit na pinikit ang mata.

Bigla naman niyang iniwas ang tingin niya sakin na pinagtaka ko tapos ay tumingin kay Richelle na ngayon ay nakangisi. Napailing naman ako at kinain na lang ang binigay niya.

Muli akong napatingin kay Zach at iniwas na naman niya ang paningin nang tumingin ako.

'Problema nito?'

Nang matapos akong kumain ay agad akong nagpunta sa salas at hindi na nagpalit ng pambahay na damit. Dahil kanina nang ginising ako ni Richelle ay agad ako nuon na naligo at nagdamit ng pamasok.

Napagdesisyunan kong manuod ng tv at maupo sa may mismong harapan nito.

"Masyado kang malapit sa tv." Hindi ko pinansin si Zach at nanatiling nakatingala sa para mapanuod ng mabuti ang paborito kong palabas na She's dating the gangster ng Kathniel.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon