Crystal's POV**
Nakaupo sa harap ng isang maliit na lamesa at gumuguhit ng isang magandang larawan. Gabi na ng mga oras na iyon. Mag isa ako sa aking kwarto at nang mga oras ding yun ay nakaramdam ako ng kakaiba. Kakaibang mangyayari sa gabing iyon.
Knock** knock**
"Kambal, kambal!" Napatingin ako sa pintuan ng marinig ang boses na iyon. At agad ding tumayo at binuksan ang pinto.
Nang mabuksan ang pinto ay nagmamadaling pumasok ang isang batang lalaki at hinila ako paloob.
"Ate, ate may mga tao sa baba at mga naka maskarang itim may hawak na mahahabang baril, t-tapos sila dad, n-nakita ko ate nakaluhod" hinihingal na sabi nito.
"Tapos, ha! ate hinahanap ka nila" dugtong nito at nanlaki ang mata ko.
"Sigurado ka ba?"
"Oo ate, nakita ko talaga sila sa baba" natatakot na sabi nito.
"Ganito kambal, dito ka lang huwag kang gagawa ng ingay at huwag ka ring bumaba ano mang mangyari. Naiintidihan mo ba ako?"
"Oo ate"
"Dito ka lang" sabi ko at niyakap muna siya bago tuluyang lumabas.
Dahan dahang naglakad at pumasok sa isang kwarto. At sa pagpasok ay may pinindot na isang maliit na button sa ilalim ng isang lamesa. At nang napindot iyon ay umikot ang ilan sa nga pader at may mga baril na nakasabit. Agad akong kumuha ng isang mahaba at isang handgun.
.
.
.
.Bumaba ako ng dahan dahan at pumwesto sa malayo at magandang pwesto. Inispatan ang mga nakamaskara at nasa bilang na pito, nakita ko din ang isang babae at lalaki na parehas na nakahiga at bugbog sarado at makikitang hindi na talaga makakatayo pa.
Muli kong inispatan ang mga lalaki at binaril ang isa, pangalawa pangatlo hanggang sa mapansin ng apat na nakahiga na pala ang mga ito. Bigla nilang tinutok ang baril nila sa paligid at naghanda na para bang alam nila na susunod sila sa mga nakahiga kung hindi maghahanda.
"Lintik nga naman talaga ang anak mo, kung hindi lang siya kailangan ni boss baka inuna ko na yun" rinig kong malakas na sabi ng isa.
Agad kong tinutok dun ang baril at binaril ito at ang mga natira.
Nang makasiguradong wala ng natira ay nagmamadali akong bumaba at tinulungang makaupo ang dalawa.
"H-honey may m-mga natira pa, a-ang kapatid m-mo. U-u-malis na- kayo" nanghihinang bigkas ng babae at umiling naman ako.
"A-alis na anak. Ang kakambal mo." Hinang hinang usal nito at pilit na tinutulak ako. "Para na lang sa kakambal mo anak." Napakagat ako ng labi at pinikit ang mata ko, saka ako paulit ulit na tumango.
Tatayo na sana ako nang biglang may sumigaw sa gilid.
"Nandito ka lang pala bata" sigaw na sabi nito. Pagkalingon ko ay nakita ko pa ang limang lalaki at ang isa ay bitbit ang kambal ko.
"Mmm mmmmm" ungol nito at pilit kumakawala sa pagkakahawak sa bibig niya.
"Ano bata ikaw lang naman ang kailangan namin, pwede naman nating daanin na lang sa madaling paraan o pwede rin namang sa mahirap na paraan." Nakangising sabi nito. Tiningnan ko ito ng masama at tinaas ang kamay.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
AksiHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...