Nang makarating kami sa kwarto nila ay medyo natawa pa ako dahil sa reaksiyon ng mga mukha nila na tila ba ay napakabigat na kasalanan ang nagawa nila.
'di ko alam pero nakisabay na lang din ako sa kaseryosohan nila at walang reaksiyon na naupo sa bakanteng upuan.
Nandito kami ngayon sa dining area nakapwesto. Walang pagkain pero maraming papel ang nandito. Sinilip ko pa ang mga ito pero napahinto ako dahil nawawala ako sa acting keneme ko dapat seryoso tayo, baka bigla ako matawa.
"Bakit niyo ako gusto kausapin?" kunyaring seryosong tanong ko.
"Nalaman kasi naming na alam mo na pala" sabi ni Kuya Kirk.
"Alam naming wala dapat sikreto sa atin pero para sa safety mo naman ang ginawa naming pagsisinungaling. Sana hindi ka na galit. Pasensiya na ulit." mahaba namang bigkas ni Kuya Kurt.
"HAHAHAHHAHAHAH di ko na kaya. Huuuu!" sabi ko na may malakas na tawa.
"I really can't take it, seeing you so serious about it, makes more funny. Haaaaa, sorry sorry." nagpunas pa ako ng tumulong luha sa kakatawa.
"Hey, are you not mad?" tanong ni John.
"Seriosly, tinatanong mo talaga yan? Ano naming dahilan ng ikakagalit k-- ayy oo nga pala sorey sorey. Sorry sa mga nasabi ko sa inyo last time, nadala lang ng bugso ng damdamin hehe. So yun nga, nung nalaman ko naman, I dunno kung lahat, Ayun wala naman palang dahilan para magalit ako sa inyo." nakangiting sabi ko sa kanila.
"Sorry ulit, masyado lang akong emosyonal last time. It's my false hahaha. Next time kapag may nangyaring ganto ulit di ko na uulitin. I will accept and understand you guys and thank you sa inyo." dugtong ko.
"Pasensiya ka na uli baby girl." sabi ni kuya Kurt. Tumango tango naman ako at biglang inakbayan si Kuya Kirk.
"Pero please sana next time, please no more secrets. Alam kong iniisip niyong sa kapakanan ko iyon kung bakit niyo ito sinekreto lahat. But I'm not like those people you see on movies. Na magagalit dahil sa mga malalaman ko, mas magagalit ako sa rason na tinago niyo lahat sa kain sa kabila nang pagsasama nating lahat natin ng matagal, hindi niyo pa ba ako kilala? Hindi ako mababaw na tao, I will always understand you guys and trust you okay?" mahabang litanya ko. Lahat naman sila ay napayuko at sabay sabay na tumango.
"Mahal ka namin bunso" usal ni John na dahilan nang aking pagngiti.
"Me too, I love myself too." biro ko. "Aray, makabatok naman."
"Kahit kalian talaga, hindi ka sumeseryoso." napapailing na sabi ni John. Natawa naman ako at parehas na inakbayan si John at si kuya Kirk.
"So, what's the plan now?" tanong ko sa kanila.
"Hmm, now you know your real identity, what is your plan?" panggagaya ni Matthews sa tanong ko.
"My real father told me that I still need to pretend. I think they are still plotting something. I'm not really sure, maikli lang pag-uusap namin nung nakaraan at agad nila rin ako pinabalik." pagkwento ko.
"Do you have any plan on your own?" Matthew asked. Napatingin naman ako sa kanya at natahimik.
Kung iisipin pala, nakakabaliw pala yung buhay ko. Paano ko itatrato ang sarili ko ngayon?
Should I focus on my past or on my future?
It's really funny that all these things happened in just a week. Dati iniisip ko bakit yung bangungot ko paulit ulit, every details, every person, everything. Then nakapasok ako sa campus na ito. Nakilala sila Valerie, sila Zachary. Sumunond sila Matthew dito. Si Mr. Fuentes, I don't want to mention between me and Zachary but those pictures that I have seen the reason why I remember something. That woman, of course, how can I forgot her. And now nalaman kong the man that I always see in my dreams was not even my real father.
Ilang tao ba ang pinatay ko sa nakaraang buhay ko para makarma ako ng ganito. My life is a mess. I am a mess.
"I don't know. What do you think I should do? ni hindi ko nga alam kung anong organisayon iyong sinasabi ninyo. Ang alam ko lang merong organisasyon, na ang lolo at lola ko ang nagpatayo at namumuno. Then what?" nakatulalang usal ko. "Nakakatawang isipin na ang daming gustong mawala ako pero ako ni walang maintindihan sa nangyayari."
"Sandali!" unos ko. "Hindi nila ako gustong mamatay, si Mr. Fuentes na rin ang nagsabi na ni siya walang alam kung anong rason kung bakit ayaw akong magalusan ng taong nag-utos sa kanya na kuhanin ako. Hindi kaya lolo at lola ko iyon?"
Pare-prehas naman kaming natigilan at tinignan ang bawat isa.
"Sa tingin ko ang una dapat nating gawin ay ang malaman ang pinagmulan ng lahat ng ito. Nang maintindihan natin kung bakit nangyayari 'to." sabi ni John.
"Kailangan nating malaman kung sino ang nagpakuha sa iyo at nanakit sa pamilya mo nuon." dugtong pa niya.
"Kailangan malaman natin sino ang kakampi natin sa hindi." usal naman ni Kuya Kirk.
"Kailangan natin makausap si Mr. Fuentes." usal ko.
Napakagat ako sa labi ko, sa hindi malamang dahilan pakiramdam ko ay may nakakaligtaan kami, may kulang. Napakunot ako ng noo at umiling, baka mali lang ako.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...