Crystal's POV*
"Ano yan? Bakit may ganyan kang dala?" Nagtatakang tanong ni Raycee habang nakaturo pa sa malaking bakal na hawak ko.
"Lumapit kayo sakin." Sabi ko nagtataka man ay wala silang nagawa kundi ang lumapit sakin.
Una kong nilagyan ang paa't kamay ni Jarson, isa itong pabilog na makapal na bakal. Parang posas pero masyadong makapal at mahirap buhatin.
"Para saan ito?" Tanong ni Jarson na hirap na hirap itaas ang kamay at ihakbang ang paa. Pero di ko siya sinagot at kinabit na rin sa dalawa.
"Gusto kong masanay kayong may ganyan sa kamay at paa niyo. Kailangan niyong kumilos, mag-ensayo na may ganyan. I know mabigat pero magandang paraan." Sabi ko na may malaking ngiti sa labi.
Hirap man sa pagkilos ay pinipilit nilang ihakbang ang mga paa nila patungo sa isang lugar para umupo.
"After ng isang oras kailangan niyo nang kumilos." I said at tinalikuran sila para ayusin ang punching bag sa gilid ng kwarto.
Nakasuot lang ako ng sports bra at leggings and a pair of rubber shoes. Tumingin muna ako sa kanila at kumindat saka nagsimulang suntukin ang punching bag.
Jarson's POV**
Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa babaeng to kung bakit kami nilagyan ng ganito alam niya bang sobrang bigat.
Napatingin ako sa kanya ng bigla nang makarinig ng malakas na suntok sa punching bag.
"Anlakas" kumento ni Raycee.
At totoo ang lakas ng pagkakasuntok niya dito. At maririnig mo rin yung lakas mula sa hangin. Napapangiwi pa ako kung minsan sa tunog na nagmumula rito.
'Kababaeng tao pero dinaig pa ako. Masyadong brutal.'
Alam kong masyado pa akong mahina, kailan lang ng makilala ko ang dalawang to sa tabi ko. Meron kaming isa pang kasama pero ginamitan kami ng dahas sa underground. Gumamit ang kalaban namin ng baril at kasama namin ang natamaan. Nawala na rin naman ang grupong iyon dahil pinatalsik sila at nakulong hindi sa kulungan ng mga kriminal pero sa loob ng underground.
Masyadong mahigpit duon kaya kataka taka talaga yung may nakapasok na baril sa loob. Nag-imbestiga sila pero hanggang ngayon wala pa rin ang nakakasagot. Baka may nangungurakot.
'Tch'
Iyong kasama namin malakas siya para siyang si Crystal pero masasabi ko na mas may karanasan ang babaeng to, masyadong sanggano, masyadong brutal. Minsan napapaisip ako kung babae ba talaga ang kasama ko.
"Ooops" napangiwi na lang ako ng mabutas niya ito at ang reaksiyon niya lang ay itaas ang dalawang kamay na akala mo sumuko sa pulis.
"Okay, kailangan ng palitan." Sabi nito at kumuha pa ng upuan para tanggalin ang pagkakasabit nung sirang punching bag. Nang matanggal ay pumasok sa storage room at pagkalabas ay may hilahilang bago nito.
"Gusto niyo tumulong? Di kasi kaya ng isahan to." Sabi niya, tinaasan ko lang siya ng kilay kaya siya naman ang napangiwi.
"Sus" komento nito at mag-isang pinalitan ang punching bag.
'Onti na lang masasabi ko nang isa siya samin, isa siya lalaki tulad namin.'
Napailing na lang ako sa sariling naisip at mag-iinat sana nang maalala na may mabigat na bakal nga pala sa pulsuhan namin.
"Times up boys, tayo na diyan" biglang salita sa harap namin nung babae.

BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
AcciónHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...