✎ IKAW ANG NAUNA PERO SA IBA ANG WAKAS

158 1 0
                                    

Why don't you marry him na, di ba nga mag-10 years na kayo? Don't you think it's time naaa? *insert Kris Aquino's voice*

Nakakabinging patutsyada ng friends mo, nacu-curious kung bakit antagal niyo nang in-relationship, e di pa rin kayo makapag-decide mag-"tie the knot". At magpapalipad ng kalapati (Wag balloons ha dagdag pollution yun, okay?) pag-exit ng church sabay tutugtog ang kampana, tapos tataponan kayo ng butil ng bigas mala-confetti. (Sayang din yun, nakulangan pa tuloy yung lulutuin para sana sa reception.)

Ayon sa Pew Research Center, the decision to get married or to move in with a partner is a personal one. Pero according to most married couples or yung mga naglilive-in na, love and companionship trump other considerations, such as the desire to have children someday, convenience or finances.

Pero meron ding iba na kahit antagal nang in-relationship, nagbe-break pa rin? Yung 10 years kamo nagtagal kayo, pero pinagpalit ka lang sa 2 months na bago. What's more shocking is dun pa siya nagpropose at ikakasal na?! Awts, pain, pighati, lumbay,  kirot, hinagpis, sakit, pagtangis, iyak, lungkot, siphayo, dalamhati!

Kaya yan yung reason ng iba na natatakot sa long-term relationship kasi nga baka di din sa kanila ang end of the road. Maybe you're just building a man for another woman? Ika nga, sa'yo nauna pero sa iba ang wakas.

Mga dahilan kung bakit ikaw ang nauna pero sa iba ang wakas:

1. Hindi supportive

2. Hindi naco-communicate

3. Nagsawa sa attitude mo

4. Toxic parents/relatives

5. Nakabuntis/Nabuntis ng iba

You're not building someone, maling concept yun, the truth is you're building yourself with someone. And if something goes wrong, tapos di niyo na kaya pang mag-hold on, din better yet move on. Let's be thankful na lang if that someone na sobrang mahal mo, e bigla na lang mawala at maghanap ng happiness sa iba. Oo masakit, syempre! Pero come to think of it na God may not allow na magkatuluyan kayo because He has something much better plans to both of you. 

Like for example, sobrang bait niya pero di niya kayang intindihin ang attitude mo. Then maybe it's better na mapunta siya sa taong magbibigay sa kanya ng less konsomisyon. Right? At ikaw naman, there's always someone out there na matatanggap ka. Let's say, di man siya mala-Maria Clara ang dating, mainitin din ang ulo, mala-fireworks ang bibig, o apaka-maldita, pero kaya niyang intindihin ka! Kaya niyang lunukin ang pride niya, para sa'yo! Shet! Kiligin ka na!

Anyway, nagiging factor talaga if di supportive ang partner mo. Yung feeling na down na down ka na pero di ka niya kinocomfort kasi parang maliit na bagay lang at sayang sa time at energy niya. Or if meron kang goals and dreams in life na feeling niya taliwas sa path na kanyang gusto sa relasyon niyo at ayaw niyang ientertain yun kasi dapat siya lang yung masusunod. It's not right! Magwewelga tayo! This makes your love invalid. Di ba nga it takes two to tango? Dapat wag kayong mawalan ng communication. Dapat talaga open kayo sa isa't isa para pag-usapan ang mga bagay-bagay to strengthen your relationship. If he's not being supportive, din mag-isip ka na, maybe it's time to leave.

Let's take into consideration din yung feelings niya. Why do a man can love you or have sex with you for so many years, but still not marrying you? Na kahit alam mong you gave your all, pero di pa rin enough to make him stay? Na instead ipaglaban ka rin niya at yung nabuild niyo for the future, e iniwan ka lang luhaan at sawi?

Some people kasi will stay with you for years because of love and sex, but what really makes them marry you is stability. Stability for us is peace of mind. What we, men, think about marriage is different from women. We don't think fanciful, iniisip namin kung kaya bang panindigan ni bride ang pagiging asawa niya till death do us part? Kung kaya ba niyang punasan ang mga suka ko sa tuwing malalasing dahil nastress sa trabaho? Kung kaya ba niyang magluto ng breakfast ng 3 A.M. kasi may pasok ako by 6 A.M. at babyahe pa? Kung kaya ba niyang mag-alaga ng mga bata namin buong maghapon tapos kinagabihan, magluluto pa siya ng mainit na sabaw kasi pauwi na ako galing work? At marami pang iba. 

We don't really think about peace in a relationship. There's no such thing as peace in a relationship but there's peace of mind.

Like kahit gaano pa siya kamahal-mahal, kahit gaano pa kabait, kahit gaano pa siya mag-effort sa relationship, but then again, he can't give you a peace of mind. Then maybe, just maybe, he's not really the one for you.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon