Minsan pakipot talaga ang mga babae.
Yung tipong may nararamdaman na sila pero nagkukunwari pa ring wala. Yung tipong ang hirap makadamoves kasi di mo mabatid kung may pag-asa ka pa ba. Yung napapaisip ka na lang kung ipagpapatuloy mo ba yung laban para sa matamis niyang oo.
Napakakomplekado talaga ng mga babae. Nasa intro pa lang ang kwento, may conclusion na. Tapos kung patay na patay sa kanila yung lalaki, sobrang pakipot. Kung darating na yung time na ayaw na sa kanila, iiyak-iyak naman.
Mga dahilan kung bakit pakipot ang babae:
1. Gusto niyang mag-effort ka para sa kanya
2. Ayaw niyang maging taken-for-granted
3. Para makilala ka niyang mabuti
4. Gusto niyang malaman kung hanggang kailan ka tatagal
5. Sinusubukan niya kung gaano kahaba ang pasensya mo
6. Para malaman kung totoong seryoso ka ba
7. Strict ang parents niya
8. Gusto niyang nirerespeto mo siya
9. May boyfriend na siya
10. Di pa nakaka-move on
11. Hindi siya basta-basta nagtitiwala
12. Ayaw niyang masabihan ng easy-to-get
13. Naninigurado lang na hinding-hindi mo siya sasaktan
14. Hindi ka niya type
15. Kasi nga babae siya
Para kasi sa kanila, masarap sa feeling na alam nilang todo effort ang isang tao. Tinitingnan din nila kung kaya mo bang sakyan ang mood swings nila.
Wala naman talagang kasiguraduhan sa buhay. Minsan yung akala mong tama, mali pala. Yung akala mong mali, tama pala. Kaya kahit na ilang rejections pa ang matanggap mo, wag na wag kang susuko kung mahal mo talaga ang isang tao. Hindi porket mukhang wala kang pag-asa ay wala na talaga. Ayaw lang nilang malaman mo kaagad na may feelings din sila para sa iyo. Naninigurado lang na hindi mo sila sasaktan sa huli. Basta wag ka ring magpapakadesperado.
Take the risk to take the rest. Pero kung alam mong oras na para sumuko, tigil na, awat na. Lalo ka lang masasaktan. Magsasayang ka pa ng oras at panahon para sa babaeng hindi naman karapat-dapat sa efforts mo.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022