✎ HINDI PWEDENG MA-INLOVE SA WRITER

14.6K 181 176
                                    

 I'll tell you, don't fall in love with a writer.

Hindi porket nalalason ang puso't utak mo dahil sa napakaganda ng kanilang naisulat, mahuhulog na rin yung damdamin mo para sa kanila. Kilalanin mo munang mabuti ang tao, bago ka magkagusto sa kanya. Upang maiwasan ang masaktan at magsisi sa huli. 

Ang mga writer kasi ay parang hologram. Feeling mo nasa tabi mo lang sila, nagsasalita, kapag nababasa mo yung kanilang mga akda.

Mga dahilan kung bakit hindi pwedeng ma-inlove sa writer:

1. May sarili siyang mundo

2. Minsan boring siyang kasama

3. Mas gugustuhin pa niyang magkulong sa kwarto kaysa mamasyal

4. Gumagamit ng metaphor kaya minsan hindi mo maintindihan ang kanyang pinagsasabi

5. Mabilis ang switch-on at switch-off mood

6. Mainitin ang ulo

7. Ma-drama

8. Binibigyan ka ng card na may nakasulat na four-verse poem na hindi naman magkatugma

9. Makakarinig ka lagi ng sweet words mula sa kanya, kung minsan nakaka-diabetes na

10. Malalaman niya kaagad na may problema sa'yo

11. Masasaktan at matatamaan ka sa kanyang mga advice

12. Mahilig siyang magsulat tungkol sa'yo 

13. Nagpapadala ng flowers o kaya nagbibigay ng gifts na kunwari galing sa admirers mo

14. Perfectionist

15. Hindi niya makakalimutan ang lahat ng mga nangyari sa'yo, mula sa embarassing stories hanggang sa broken moments mo

16. Torpe

17.  Devoted sa kung sino man ang magugustuhan 

18. Unpredictable

19. Mataas ang pride, ngunit kaya niyang magpakumbaba para sa taong mahal na mahal niya

20. Kung makikipag-break ka sa kanya, isa ka na lang kinunot na papel 

Writers don't hide their desires, they just disguise them. And if a writer falls in love with you, you can never die.

So, don't fall in love with a writer. Don't fall in love with me.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon