✎ NAFI-FRIENDZONED

10.9K 110 64
                                    

FRIENDZONED.

Hindi ba yan yung halimbawa nagtapat ka ng tunay mong nararamdaman sa close mong tao o sa matalik mong kaibigan na parang ganito ang nangyari:

“Ma.. mahal kita.” slo-mo at nauutal pang pagkakasabi mo sa kanya.

“Mahal din naman kita, kaibigan kaya kita noh.” sabay yakap niya sa iyo.

Ang saklaaaaap!

Hindi bale mainstream naman ito ngayon, hindi ka nag-iisa. Eh, sa dinami-dami ba naman ng classification ng relationships sa mga panahong ito, minsan mahirap nang malaman kung ano ba talaga ang klase ng relationship ang kasalukuyan mong kinasasadlakan.

Sa totoo lang hindi biro ang ma-Friendzoned. "One-Sided Love Affair" nga raw yan sabi ng iba. Nakakalungkot at nakakalugmok, yung tipong gusto mong yakapin ang mga binti mo at mag-uumiyak maghapon sa shower. Ang OA ha, pero ganun naman talaga yun. Hindi mo alam kung ano ba ang dapat mong gawin. Hindi pa nga naging kayo, nagmomove-on ka na. 

Mga dahilan kung bakit nafi-friendzoned:

1. Torpe

2. Paasa

3. Assuming

4. Binibigyan mo siya ng sobrang atensyon

5. May gusto siyang iba

6. Di pa naka-get over sa ex

7. Natatakot siyang mawala ang friendship niyo

8. Di ka niya feel

9. Ayaw niya sa ugali mo

10. Manhid

Di talaga maiwasang ma-in love. Hindi mo mapipigilan ang pusong tumibok para sa isang taong gusto mong mahalin at makasama. Yun bang bigla ka nalang kakabahan kapag nakita mo siya, di mo alam kung bakit, paano at kailan ito nagsimula. Basta bigla na lang nangyayari ang lahat ng ito. We all have our own preferences of dealing with this so-called love, basta ang sa akin lang ay wag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo. 

Kung mapunta ang lahat sa wala, matutong mag-let go. Pero ito lang ang masasabi ko. Mas okay na yung friends na muna kayo at least andyan pa rin siya sa piling mo, not with the intimate love na gusto mo pero love as a friend. Mas makilala niyo pa ang isa’t isa. Mas titibay pa yung bond na nakakonekta sa inyong dalawa. Sometimes, commitment complicates everything.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon