Maraming factors kung bakit ang prof niyo ay wala sa mood. Baka kasi may problema sa lovelife, pamilya atbp. Tapos dagdag pa kayo sa suliranin. Pero may time talaga na nabubwesit ang prof sa kanilang mga estudyante lalo na 'pag di nakikinig sa discussion ng klase.
Mga dahilan kung bakit nagagalit ang prof:
1. May naglalaro ng Temple Run 2, Fruit Ninja, Subway Surfers, Minion Rush, 4 Pics 1 Word, Flappy Bird, Clash of Clans, ZigZag, Tap Titans at iba pang android games. Ang matindi, yung nagka-Camera360 o di kaya pinipiktyuran ang mga isinulat na notes o solutions sa blackboard
2. May nagtsitsismisan
3. May nag-uusap tungkol sa anime tulad ng Naruto, Bleach, One Piece, Kuroko No Basket, Haikyuu at Shingeki No Kyojin
4. May magsyotang PDA5. May nag-oonline sa Ask.fm, Twitter at Facebook
6. May nagbabasa ng love stories sa Wattpad. Tapos bigla na lang sumigaw kasi affected sa nabasa
7. May ginagawang assignment sa ibang subject
8. May natutulog at ang malala pa dun ay nasa harap pa nakaupo9. May pa-feeling matalino tapos di naman tama ang sagot
10. May magagandang classmates kaya di makapag-concentrate
Nakakapagod nga namang makinig sa lection ng prof na boring mag-discuss tapos yung time pa ng subject eh nasa hapon, ang sarap kayang matulog! TBH, ako nga may time na nakatulog ako sa klase, nahulog yung cellphone na hinahawakan ko at pinagtinginan ako ng classmates ko. Buti na lang nakaharap sa blackboard yung prof namin nun, may sino-solve na problem, kundi patay ako.
Pero kailangan din nating makinig eh, kasi pagdating ng quiz o exam nganga tayo, kasi walang maisagot. Dahil kahit concepts lang kung paano isolve ay di alam kung papaano.
Yung ibang prof din nagbibigay ng surprise quiz if they feel na wala nang nakikinig sa kanila. Ayon! Nganga pa more!
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022