Hindi talaga maiiwasang sapian tayo ng katamaraan sa katawan. Lalo na kapag may paparating na quiz o exam. Tinatamad rin kasi tayong mag-aral. Eh, sa ilang taon ba naman nating nakakulong sa pitong sulok ng silid-aralan, tiyak mabo-bored ka rin minsan.
Mas marami pa ngang oras tayong ginugugol sa eskwelahan kaysa sa bahay. Tapos pagkarating pa natin sa bahay, mag-aaral na naman. Pero kailangan eh. Kailangan nating mag-aral para sa ating kinabukasan. Para naman hindi malanta ang pinaghirapang itanim ng ating mga magulang. Itanong mo na lang sa sarili mo, "Bakit ba ako pumapasok sa paaralan?".
Mga dahilan kung bakit tinatamad mag-aral:
1. Iniisip ang lakwatsya ng barkda
2. Nasa utak ay DOTA o kahit na anong online games
3. May kaaway
4. Kachat o katext pa si crush
5. May problema sa pamilya
6. Hindi masyadong naintindihan ang lesson
7. May dysmenorrhea
8. Ang daming projects tapos magkasabay pa ang deadline sa exams
9. Heartbroken
10. Kulang ang allowance
Bakit ka pa pumapasok kung hindi mo naman ginagawa ang tungkulin mo bilang isang estudyante? Sayang din kasi yung tuition na binabayaran ng mga magulang mo kada semester. Okay lang yan, tinatamaan talaga tayo ng katamaran pero 'wag yung palagi na lang.
Isipin mo na lang ha, maswerte ka kasi nakakapag-aral ka. Marami diyan na gugustuhin man nila kaso hindi pwede kasi mas kailangan nilang magtrabaho na para makatulong sa pamilya. Maswerte ka kasi, binibigay ng mga magulang mo ang kahit na anong luho ang hingin mo sa kanilla kaya mag-aral ka, bumawi ka rin sa kanila.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022