Binasted ka pala ng nililigawan mo, normal lang yan. Nangyayari din yan sa mga ibang lalaking mas pangit sa'yo.
"Friends na lang tayo"
Masakit pakinggan ang mga katagang yan. Baka kasi naiilang siya sa'yo. Wrong move ka siguro. The "flash" ka siguro sa panliligaw, yung kakakilala niyo lang tapos sasabihin mong may nararamdaman ka na para sa kanya. Hindi pa nga kayo close. Siguro maganda siya? Ayan kasi! Kapag maganda, love at first sight na kaagad. Puso dapat ang tumitibok, hindi ang mata.
Ayon nga sa nabasa ko, kung ang mga lalaki raw ay kayang manloko, magpaiyak, magsinungaling, mambabae, mang-uto at ipeke ang buong relasyon. Ang babae naman ay kaya nilang mambasted, simple pero malupit.
Mga dahilan kung bakit nambabasted ang babae:
1. Taken na
2. Masyadong seloso hindi pa nga kayo
3. Mayabang ka
4. Hindi ka niya type
5. Ayaw sa'yo ng parents niya
6. Hindi compatible ang ugali niyo
7. May gusto siya sa best friend mo
8. Namamanyakan siya sa'yo
9. Naiinsecure siya kasi ang talino mo
10. May record ka ng pagka-playboy
11. May bisyo ka
12. Wala kang dating
13. Mas babae ka pang kumilos kaysa sa kanya
14. Mabaho ang hininga mo
15. Babae rin ang trip niya
Nambabasted ang mga babae, hindi para saktan lang ang damdamin ng mga lalaki. Sadyang nagpapakatotoo lang sila sa kanilang nararamdaman. Na ayaw ka niya. Na hindi siya yung tipong paasa. Meron kasing mga lalaking magaling lang sa una. Kapag nabasted, nanunumbat.
Kung may gusto kang tao, kilalanin mo muna. Para naman malaman mo ang ugali niya. Hindi porket maganda, mahal mo na. Dahil kapag ganun, hindi tatagal ang relationship niyo.
Kung mabasted ka man, tanggapin mo na lang. Hindi mo mapipilit ang puso na piliin ka, kung tumitibok na ito para sa iba. At saka, 'wag kang manumbat at magalit, hindi ka naman niya inutusang manligaw.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
AléatoireAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022