"Hoy babaeng sinungaling walang-hiya kang malandi kang haliparot ka. Hindi mo alam paano gumanti ang pusong nasaktan. Hindi mo alam.", linya ng mga bitter.
Kaya maraming hindi naniniwala sa forever dahil sa malalandi. Dahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit may hiwalayan, iyak-iyak, lasing-lasing, at iyak pa more. Marami itong nawawasak na mga tahanan. Maraming pusong nadudurog at naliligaw sa karimlan.
Mga dahilan kung bakit may malandi:
1. Nasa genes
2. Feeling maganda at sexy
3. Hobby niya
4. May ipinapaselos (ex o frenemies niya)
5. Nakainom
6. Gusto niya yung nilalandi niya
7. Desperada
8. Kulang sa pansin
9. Haliparot lang talaga
10. Katawan lang meron siya
Minsan nanlalandi yung iba dahil sa ex nila. Nasaktan kasi sila ng husto kaya ipapaselos nila. Ex na nga, di ba? Pake niya sa'yo! Ano? Ipapakita mong nakamove-on ka na? Ipapamukha mo sa kanya na masaya kang wala na siya, ganun ba? Pake niya sa'yo!
Nanlandi ka ng tao, kaya yung nilandi mo umasa naman sa'yo.
"It's a man's job to respect woman, but it's a woman's job to give him something to respect."
Kung may gusto ka naman sa isang tao, wag kang desperada. Baka kasi hindi ka seseryosohin niyan, gagawin ka lang panghimagas. At kung may karelasyon na yung taong patay na patay ka, hayaan mo na. Wag ka nang mag-effort na ipaghiwalay sila.
Sige, ipagpalagay nating ikaw ang panalo. Nakasira ka ng relasyon. At naagaw mo ang taong gusto mo. Pero teka lang. wag kang kompyansa. Hindi sa'yo ang huling halakhak. Dahil kung nilandi mo man siya, malamang magpapalandi rin yan sa iba. "If he cheated with you, he's gonna cheat on you".
Kung nangangati ka, wag mong gawing pangkamot ang boyfriend ng iba.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022