✎ NAGPAPAGANDA ANG MGA BABAE

13.9K 191 89
                                    

Minsan kaming mga lalaki ay nagtataka rin kung bakit ang tagal magbihis ng mga babae. Halimbawa na lang ngayong Feb-ibig, malamang ang iba diyan ay may date o kaya sa prom, yun tipong tingin ka ng tingin sa relo mo, tapos wala pa rin siya. Yung parang ilang years na ang lumipas di pa rin siya natatapos sa pagbibihis o kaya sa pagpapaganda.

Kaya naman nagtanong-tanong na lang ako. Para naman may mai-share na rin ako sa inyo mga tsong. Baka kasi mabwesit pa kayo at di makapaghintay kaya away ang maging ang resulta.

Mga dahilan kung bakit nagpapaganda ang mga babae:

1. Hindi siya crush ng crush niya

2. Hindi siya nagagandaham sa sarili niya

3. Para presentable tingnan

4. To boost self-esteem and confidence

5. Para magpapansin 

6. For self-satisfaction

7. Kasi nga babae

Ayon sa isang sumagot, tugon niya "Beautifying symbolizes our respect and love to ourselves." kaya mga tsong tayo na lang ang magpaganda sa kanila para malaman naman nilang nirerespeto at minamahal natin sila. Di biro lang mga tsong. Ibig sabihin niyan, KASI NGA BABAE SILA kaya kailangan nilang magpaganda. Ayaw lang nilang mapahiya sa harap ng ibang tao o kaya sa'yo dahil kasama ka niya.

Magkaibang-magkaiba kasi tayong mga lalaki sa kanila. Gel lang sa buhok tapos suklay lang ng tatlong beses, okay na, Eh sila? Ang haba kaya ng kanilang buhok para lagyan ng gel. Hahaha. 

Anyway, matuto kang maghintay tsong. Kagaya ng paghihintay mo sa matamis na "Oo" ng nililigawan mo. Enjoy ka sa date mo ha, kapag natapos na siyang maligo ng 1 hour at magbihis ng 1 hour ulit. Exagge naman pero parang ganun na rin yun. 

HAPPY VALENTINE'S DAY! <3 <3 <3

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon