Haters ba kamo? O papansin lang sa'yo? 'Wag mo masyadong intindihan sila, mai-stress ka lang niyan. Relax. Smile ka lang. 'Wag magpapaapekto. Mapapagod din yan.
Ang hirap kasi sa mentality ng ibang tao, kung sino yung mas angat sa kanila, hinihila nila pababa. Naiinggit, at hindi man lang marunong mag-appreciate kung anong meron sa kanila. Kaya naman tuloy nagiging bitter, nagiging haters.
Mga dahilan kung bakit may haters:
1. Naiinggit sila sa kung anong meron ka na wala sa kanila
2. Iniisip nila na hindi ka deserving para dun
3. Ayaw nilang matalo sa'yo
4. Gusto ng atensyon
5. Puro negative sides lang kasi ang kanilang nakikita
6. Kasi may nasaktan ka
7. Wala silang magawang matino sa buhay
8. Naimpluwensyahan lang ng iba
9. Naiinsecure sila sa'yo
10. Feeling nila mas magaling sila kaysa sa'yo
Hindi naman mabubuntis ang tao nang dahil sa qoutes, nasa kalandian niya yun. 'Wag mong isisi ang kamalian mo sa ibang tao, kamalian mo yun eh, ikaw ang may gawa nun. Okay, nang dahil sa impluwensya ba kamo? Ako nga nang dahil kay Marcelo Santos III, naimpluwensyahan akong magsulat, nasa pag-iisip ng tao na rin yun kung saan ba niya gagamitin ang impluwensyang nakuha niya sa iba. Siguro naman, alam na natin kung ano ang tama sa mali.
Hindi naman talaga mawawala yang haters. Ibig sabihin lang nun, sikat ka. Magbunyi! Mag-celebrate ka na sa kasikatan mo! Anyway, hindi naman talaga maiiwasang may masaktan. Humingi ka ng tawad, magpakumbaba ka na lang. At kung ano man yang pinagsasabi ng haters mo, gawin mo na lang yang inspirasyon to do better.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022