Hindi natin maipagkakaila na may ups ang downs talaga ang isang relasyon. Minsan hindi mo alam ang gagawin. Kaya nangangailangan ka ng time and space para makapag-isip sa mga bagay-bagay, upang sa gayon ay malaman mo kung saan mo ba gustong mapunta ang pinaghirapan niyong buuing relasyon. Kung ipagpapatuloy pa ba o hahayaan na lamang na maglaho sa kawalan.
Mga dahilan kung bakit may cool-off:
1. Walang time
2. Naboboringan na sa relasyon
3. Wala pa ring tiwala
4. Nagkasala at mahirap patawarin
5. Hindi talaga compatible para sa isa't isa
6. LDR
7. Nakakasakal na
8. May gusto nang iba
9. Nakakapagod na
10. Upang makapag-isip pa
Hindi naman maaayos ang relasyon sa pamamagitan ng cool-off. Binibigyan mo lang siya ng pagkakataon upang makahanap ng iba, habang ikaw itong naghihintay sa wala.Cool-off is a prelude to break-up. Kung ayaw niyo na talaga sa relasyon niyo, maghiwalay na lang kayo kaysa naman may isang mag-aasam, maghihintay at masasaktan dahil sa pag-aakalang may babalikan pa. (COOL-OFF = BREAK-UP)
Kung may problema, pag-usapan. Hindi yung laging pride ang pinaiiral. Maraming nasisirang relasyon dahil diyan. Pero alamin mo muna kung tama ka ba. Kung mabigat kasi ang kasalanang nagawa, mahirap magpatawad sa kapwa. It takes time to heal a wounded heart.
Kapag may mahal ka, hindi mo maiwasang magduda. Minsan sinusubukan mo pang hulihin siya pero paano kung mapatunayan mong tapat talaga siya? Kaka-guilty ba? Na habang siya nagtitiwala, ikaw naman puro panghihinala.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022