✎ MATAGAL MAGBIHIS ANG BABAE

16.7K 276 116
                                    

Nagtataka ka ba kung bakit ang tagal magbihis ng girlfriend o ka-date mo?

Mga dahilan kung bakit matagal magbihis ang babae:

1. Halos isang oras maligo

2. Pinapatuyo pa ang basang buhok

3. Matagal magsuklay

4. Di pa nakapili ng damit na susuotin

5. Nalilito sa gagamiting pabango

6. Wala pang nakitang babagay na sapatos/sandal

7. Kausap/kachika pa ang bestfriend niyang niyaya para tulungan siya

8. May katawag pa

9. Okay na sana kaso nagpalit na naman ng damit

10. Nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba

At maaarrraaaammiiiiii pang iba!

"We make sure we look presentable with our outfits" yan ang sabi ng isang sumagot sa tanong ko sa Ask.fm tungkol dito. Oo nga naman, concious lang talaga silang mga babae sa susuotin nila. Ayaw lang nilang magmukhang tanga o katawa-tawa sa harap ng maraming taong nakapaligid sa kanila. Lalo na sa harap ng gusto nilang lalaki.

Tanggapin na lang nating ganyan na talaga sila. Kailangan lang naman nating maghintay ng kaunti eh. 'Wag lang tayong maging suplado o atat, di kasi nila gusto ang mga ganyang lalaki na makakasama nila sa isang date, matu-turn off lang yan sa'yo sige ka. Kahit mahigit isang oras ka nang naghihintay okay lang yan, gusto mo rin namang makasama siya di ba? Eto na lang ang gawin mo, halimbawa dumating na siya tapos sasabihin niya sa'yo, "Sorry, kanina ka pa ba?" ang isagot mo na lang sa kanya ay ito, "Hindi, kakarating ko lang din. Ano, tara na?" oh di ba? Ngingiti pa yan sa'yo.

Lower your pride na lang kung ganun man ang mangyari, ang mas mahalaga ay tuloy ang lakad niyong dalawa. Matagal mo na rin yang hinintay na pagkakataon kaya make the most out of it, be a gentleman.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon