Kung minsan, di mo maiintidihan yung kaibigan mo. Bigla na lang magtatalak at iiyak dahil brokenhearted daw siya. At syempre, nandiyan tayo sa tabi nila upang pasayahin sila. Siguro sa babae ganito kadalasan ang sitwasyon pero sa lalaki, ewan! Alak lang daw ang katapat niyan.
Mga dahilan kung bakit brokenhearted ang kaibigan mo:
1. Nag-break na sila ng bf/gf niya
2. Yung bf/gf niya, naging bf/gf ng bestfriend niya
3. Di maka-move on sa past
4. Yung nanliligaw sa kanya, may nililigawan ding iba
5. Di sinipot ng ka-date
6. In-a-relationship na si crush
7. Nabiktima sa "pa-fall"
8. Nalamang may bagong bf/gf na si ex
9. Na-friendzoned
10. Bagsak sa isang subject
Akala niyo puro lang love ha. Di naman palaging sa love nagiging brokenhearted ang tao eh, ang dami kayang factors. Siguro nga madali lang tayong nasasaktan pagdating sa pag-ibig.
Para dun sa di maka-move on sa past, di talaga kayo makaka-move on niyan kapag meron pang hatred na nandiyan sa puso mo. Oo nasaktan ka nga, at wala namang mali ang magalit sa kanya. Kaso, di naman siguro habambuhay ka na lang nakakulong sa anino ng nakaraan. Ika nga, forgive and forget. Madaling sabihin pero mahirap gawin, pero magagawa naman talaga yan eh kung buong puso ang pagpapatawad mo. Kasi ang pagpapatawad ay hindi lamang para sa pinapatawad, para din yun sa nagpapatawad.
Atsaka, malalaman mong nagmahal ka kung nasaktan ka. Eh siguro nga, kailangan din ng tao na masaktan para mag-mature.
Mas mabuti pang ma-in love ka kay God. Kasi Siya, hinding-hindi ka Niya iiwan at sasaktan.
P.S.: Ang lalaking seryoso ay nasasaktan at umiiyak din.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022