Special ka sa kanya. Lagi siyang nandiyan kung kailangan mo ng maiiyakan. Kaya pag-isipan mo muna kung go ba o no na talaga. Kasi baka magsisi ka lang sa huli dahil pinakawalan mo ang pagkakataong makasama siya.
Just think of it as a friendly date.
Mga dahilan kung bakit dapat ka nang makipag-date sa kanya:
1. Gusto mo siya, paligoy-ligoy ka lang
2. Hindi ka buhay forever
3. Chance mo nang makilala siya ng mabuti
4. Minsan lang siyang magyaya
5. Mas enjoy pa yan kaysa gumawa ng homework
6. Gusto mong magselos ang ex mo
'
7. Wala ka namang gagawin bukas
8. Lahat ng kaibigan mo in-relationship na, ikaw na lang ang hindi pa
9. Talo ka sa pustahan niyo
10. Gusto mong makalimutan ang mga problema mo
11. Masaya siyang kausap
12. Baka someday, mapapagod na siyang maghabol sa'yo
13. Boto sa iyo ang parents niya, boto rin ang parents mo sa kanya
14. Napansin ka na rin niya sa wakas
15. Para magpatulong sa kanya, gusto mo kasi yung kaibigan niya
Ano pang hinihintay mo? Tanggapin mo na ang inaalok niyang date sa iyo. Minsan lang yan.
Pero alam mo, desisyon mo pa rin ang mangingibabaw. Hindi naman kasi natuturuan agad ang puso na magmahal. Hindi mo rin napipilit ang utak na isipin siya kung ayaw mo talaga sa kanya.
Bigyan mo na lang ng chance na makilala niyo pa ang isa't isa. Malay mo, mali ka pala sa iyong inaakala. Malay mo, mabait talaga siya at hindi nagpapakitang-tao lang. Malay mo, maging kayo,
Know your priorities pa rin. Magkaiba ang wants sa needs. Hindi dapat magkapalit yang dalawa.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022