✎ NAGSESELOS

24.9K 139 52
                                    

Selos ka? Selos na naman?

Selos.

Isang bagay na dahil dito malalaman mo kung gaano ka kaimportante sa kanya. Ang pagseselos ay bahagi yan sa totoong nagmamahal, wagas man ang selos na inabot niya, wagas din naman ang love na ibinibigay niya. Ngunit pwede rin itong ikakasira ng kung ano mang relasyon ang meron kayo.

Normal na sa tao ang magselos. Pero sa lahat ng emosyon na ipinapakita ng tao, selos ang pinakamahirap itago. Nakakapanghina kapag nadapuan ka nito, para bang lagi ka na lang mapa-paranoid. At ang tanging makakapagpagaan lang ng loob mo ay yung taong nagiging dahilan ng selos mo. Gayunman, nasa kung paano mo lang ito ilulugar. Kailangan din kasi marunong kang kumontrol sa iyong sasabihin at sa gagawin mong aksyon. Dapat mabatid mo muna kung saan nanggagaling ang paghihinala, pwede rin kasing makasakit ka sa ibang tao. At saka, malay mo yung tao palang pinagseselosan mo ay kabarkada, kapatid o pinsan lang pala niya.

Kung sino pa yung sobra kung magselos, sila pa yung sobrang sweet. At kung hindi na nagseselos yang kasintahan mo, kung nanlalamig na siya sa iyo, malamang may pinag-iinitan na siyang bago.

Mga dahilan kung bakit nagseselos:

1. Mahal na mahal ka niya

2. Ayaw niyang mawala ka sa kanya

3. Hindi mo siya nabibigyan ng sapat na atensyon

4. Para hindi mapansin ang kalokohang ginagawa niya

5. Nakikipag-flirt ka sa nakikipag-flirt sa'yo

6. Insecure

  

7. Namimiss ka na niya

8. May nagka-crush sa iyong iba

9. Bumabawi lang siya sa mga pagseselos mo

10. Para lambingin mo siya

Eh paano naman kung hindi kayo?

Walang din namang masama kung nagseselos ka. Ang importante ay ang nararamdaman mo para sa kanya. Kung mahal mo talaga siya, ipaglaban mo. Sabihin mo ng diretsahan na nasasaktan ka. Ang mahalaga dun masabi mo at maipakita mo sa kanya kung gaano mo kagustong pumasok sa buhay niya bilang isang taong nagmamahal ng tapat sa kanya,

Sa isang relasyon, hindi pwedeng ikaw ang laging tama. Ika nga, may mga bagay na pwede, hindi naman tama. May mga bagay na tama, hindi naman pwede. Pinapatakbo ito ng dalawang tao at hindi ng iisahan lang. Kumbaga, give and take. Dapat marunong kayong umintindi sa isa't isa, mapag-uusapan naman ang lahat. Ang pagpasok kasi sa isang relationship ay para yang headlights ng isang sasakyan, kung hindi na umiilaw yung isa, aakalain nang makakasalubong mo, single ka. Pero alam niyo, masarap magmahal sa taong buo ang iyong tiwala. 

Tandaan niyo, wala namang masama kung magselos ka. Basta alam mo lang kung saan ka lulugar.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon