✎ PINIPILI NG IBA NA MAGING SINGLE

20.1K 367 264
                                    

May mga pagkakataon talaga na bigla ka na lang mahuhulog sa isang taong akala mo nung una ay kaibigan lang o yun ba kamong hanggang dun lang talaga ang tingin mo sa kanya. Pero hindi eh, dahil sa tuwing nakikita at nakakasama mo siya lalong bumibilis ang tibok ng puso mo.

Pero sa mga ganyang sitwasyon o yung mag-MU na ang dalawang tao, bakit pinipili pa rin nila na maging single na lang?

Mga dahilan kung bakit pinipili ng iba na maging single:

1. Para walang hassle 

(Ayaw lang siguro maging "under de saya" o takot na baka masakal sa isang relasyon.)

2. Di gustong masira ang friendship

(Yung best of friends ang turingan tapos iniisip na baka magkandaletse-letse lang friendship nila. Kasi baka di mag-work, ewan ko sa kanila.)

3. Studies first ang drama

(Yung motto ay "Study first before you enter the kingdom of love". Busy sa pag-aaral kaya walang time para sa kaechusang love na yan. Iniisip din kasi nila na isang malaking achievement ang pagiging NBSB/NGSB hanggang sa pag-graduate sa kolehiyo.)

4. Pinagbabawalan ng parents

(Sunod sa utos at payo ng kanyang parents.)

5. Di pa naka-move on sa ex

(Labis na nasaktan sa past relationship at naging mas bitter pa kaysa sa ampalaya.)

6. Abangers

(Yung mga taong naghihintay sa mahal nila na may mahal na iba, kahit in the end malaki ang chance na wala ring mapapala. Worst case is in-relationship yung hihintay nila. Saklap!)

7. True love waiters

(Laging bukambibig na may nakalaan talagang right person at the right time para sa kanila.)

8. Inconsistent sa feelings 

(May gusto ngayon, after ilang days or weeks, iba na naman ang pinopormahan.)

9. Bawal sa kanilang relihiyon 

(Yun bang kachurchmate niya ang gusto niya pero bawal na bawal sa kanila.)

10. Walang tiwala sa sarili 

(Di naniniwalang deserving din sila to love and to be loved back.)

Minsan mas hinahanap pa natin ang qualities ng isang tao kaysa sa qualities ng isang relationship. Yung iba nga gumagawa pa ng listahan eh. Oo nga naman, pwede rin namang ganun. Pero kapag pasok ba sa standards mo mahal mo na agad? Alam niyo, wala ring magagawa yang standards na yan, kasi kapag puso na ang nagsasabing mahal mo na ang isang tao, mahal mo na talaga yan. 

Pero ang masasabi ko lang eh, wag kang magmadali sa love, know your priorities first. Para di magsisi sa huli. At kilalanin mo munang mabuti ang isang tao dahil marami diyan na pagsasamantalahan lang ang kahinaan mo.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon