Bakit ka ba niya inaasar?
Wala ka namang ginagawa at nananahimik lang, pero bigla na lang siyang susulpot sa harapan mo, tapos aasarin ka. At hindi pa siya titigil hangga't hindi ka napipikon. Minsan, kung gusto mo yung taong nang-aasar sa'yo, maiisip mo na lang na, "Sige, asarin mo pa ako. Okay lang, pasalamat ka gusto kita, hindi ako agad mapipikon sa'yo. Kundi pa eh, nasapak na sana kita" at tahimik na kinikilig. Tapos kapag umalis na siya, todo hampas ka naman sa kasama mo.
Mga dahilan kung bakit inaasar ng lalaki ang babae:
1. Nagpapansin
2. Naglalambing
3. Trip lang
4. Nakikipag-close
5. Nakukyutan sa'yo kapag nagagalit ka
6. Mapang-asar lang talaga
7. Inaasar mo rin kasi siya
8. May atraso ka sa kanya
9. Nagseselos
10. Gusto ka niya
Ayan! Bakit naka-smile ka diyan? Kasi yung nasa huli, yun yung madalas na dahilan at gusto mo rin yun. Awat na!Mapang-asar talaga ang lalaki eh. Kaklase mo man o kaibigan. Siguro, nais lang niyang makuha ang atensiyon mo kasi nga gusto ka niya. At gagawin niya ang lahat para makuha rin yung damdamin mo, para maging close kayo (kung nagkataong hindi pa). Nagpapahiwatig lang yan sa'yo, kumbaga humuhugot ng lakas ng loob, ng timing, kasi natotorpe siyang aminin sa'yong crush ka niya.
Ang bad news diyan eh, kung inaasar at kinukulit ka niya at dikit ng dikit sa'yo tapos may girlfriend na pala siya, naku! Nagfi-flirt lang yang mokong na yan sa'yo. Wag kang padala diyan, taken na yung tao eh.
Mag-ingat ka lang, meron din kasing mga lalaking, nagpapaasa lang. Akala mo yun na, may gusto rin sa'yo pero pinapaasa ka lang pala. Kaya nga, wag masyadong mag-assume baka kasi in the end, ikaw lang yung masasaktan.
Para naman dun sa nang-aasar. Tamang asar lang, wag sobra. Dahil minsan, kung nayayabangan na yung babae sa'yo, major turn off na yun sa kanya.
Hoy, alam kong naka-relate ka. Kung hindi ikaw yung nang-aasar, ikaw yung inaasar. At kung umawat ka man sa kaka-smile kanina, sige ipagpatuloy mo na.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
De TodoAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022