Alam naman nating nakakatulong talaga ang teknolohiya sa ating buhay. Ngunit minsan, ito rin ay nakakasira ng isang relasyon. Dahil lang sa hindi nareplyan ang text, hiwalayan na? Ang babaw namang rason nun para bitawan na lang ang lahat ng napagdaanan niyo.
Ikaw nga na nagbabasa nito, hindi mo nga siguro mabitawan yang cellphone mo dahil sa kakatext o kahihintay ng reply galing sa taong gusto mong makausap man lang. Lalo na kapag yang tao yan ay napupusuan mo. 'No?
Mga dahilan kung bakit hindi nakaka-reply:
1. Walang load
2. Natutulog
3. May ibang katext
4. May kausap
5. Nanonood ng t.v.
6. Galit sa'yo
7. Hindi ka mahalaga para sa kanya
8. Nasa klase
9. Boring kang kausap
10. Puro gm lang ang texts mo
Pero minsan kasi nakakainis yung hindi ka nirereplyan ng katext mo, o kaya yung ang tagal niyang magreply sa'yo. Isang sign na kasi yan na hindi ka importante sa kanya. Kaya titigilan na lang.
Ngunit itanong mo muna sa kanya kung may ginagawa ba siyang importante bago ka magalit. Tapos kapag yung hating-gabi na kayong nagtetext, malamang may unang makakatulog sa inyong dalawa. Mas okay na yung natulugan kaysa hindi ka nireplyan.
Mag-usap na lang kaya sa personal kaysa nababagabag kapag walang reply. At saka, pwede mo naman siyang tawagan. O di kaya, i-check mo muna baka yung sweet message na para sa kanya, na-wrong send pala sa parents mo. Patay!
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022