✎ HINDI KA PINAGKAKATIWALAAN

12.5K 145 28
                                    

TIWALA.

 

Ito yung mahirap buuin, madaling sirain. Mahirap makuha, madaling mawala. Hindi lahat ng tao ay nagbibigay agad ng tiwala, at meron ding mga taong hindi dapat pagkatiwalaan. 

 

Mga dahilan kung bakit hindi ka pinagkakatiwalaan:

 

1. Hindi ka pa niya kilala

 

2. Kilalang-kilala ka na niya

 

So, alin ka sa dalawa?

 

Siguro hindi ka niya pinagkakatiwalaan kasi nga kilalang-kilala ka na niya. Yung halimbawa na lang, hindi siya mapakali nun kung bakit yung sekretong binulong niya sa'yo, eh alam na ng karamihan. Ikaw pala yung naging pakpak ng balita, loko ka! Kumbaga, wala kang isang salita.

 

Baka rin kasi ikaw yung tipo ng taong sa sampung sinasabi, labing-isa yung hindi totoo. O kaya, sinaktan mo siya at pinatawad ka na nga, pero inulit-ulit mo lang yung mga kasalanan mo. Sa tingin mo, pagkakatiwalaan ka pa niya? 

 

May mga tao kasing naninigurado muna bago ibigay ang kanilang tiwala, ayaw lang nilang mabalewala yung kanilang pinakaiingatan. Meron din yung saglit lang kayong nagkakilala, pero ang gaan na ng loob niyo sa isa't isa. Depende na talaga yan sa tao. 

 

Kung gusto mong pagkatiwalaan, subukan mo ring magtiwala sa ibang tao (pero kilalanin mo muna siyang mabuti). At kung nasira mo man yung tiwala niya, mag-effort ka upang maibalik yun. Kahit na hindi man maging buo ulit, at least okay na kayo. Kasi nga, hindi ka lang nakasira ng tiwala, nakasakit ka pa ng damdamin.

 

Mahirap makuha ang tiwala ng tao, at kung makuha mo man, sa isang pagkakamali lamang ay pwede rin itong maglaho.

 

Mahirap. Napakahirap. Kaya ingatan mo kapag binigyan ka nito.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon