Anger keeps men from being vulnerable. Hindi naman kasi nakokontrol ang galit, kaya minsan hindi nila namamalayang marami na palang importanteng tao ang unti-unting nawawala sa kanila. May likas na suplado talaga. At tanging pag-unawa niyo na lang ang kailangan para huminahon sila.
Suplado ba? Lambingin mo lang, ngingiti na yan. Hindi naman kasi masyadong pa-hard ang mga lalaki. Yun nga lang, hindi nila na nakokontrol ang kanilang emosyon, ang kanilang temper. Kadalasan kasi sa lalaki may anger problems, hindi nila iniisip ang kanilang sinasabi kapag nagagalit na sila. Tapos, magsisisi lang sa huli.
Mga dahilan kung bakit suplado ang lalaki:
1. Selos
2. Naiirita sa walang kwentang kausap
3. Nabasted
4. Talo sa laro o pustahan
5. Mahina ang internet connection
6. Inuutusan kahit busy pa
7. Hindi na-appreciate ang effort
8. Natapakan ang pride
9. Na-reject
10. Hindi nabigyan ng kahit konting time
11. Last priority parati
12. Sunod-sunod ang exams o quizzes
13. Kulang ang sukling natanggap
14. Hindi na-replyan
15. Laging bini-blame o kini-criticize
16. Gutom
17. Bagong gising
18. Galing sa break-up
19. Bagsak sa subject
20. Nawalan ng pera
At maaarrraaaammiiiiii pang iba!
Mahirap pigilin ang selos lalo na kapag mahal mo ang isang tao. Kung hindi man siya marunong umintindi, ilagay mo na lang sa tamang lugar yang selos mo.
Kailangan namin ng pang-unawa ng iba katulad ng pang-unawa namin sa kanila. Mahirap makipag-usap sa taong suplado o galit, kaya mas mabuting tumahimik na lang muna para huminahon siya. Ngunit huwag mo ring tumbasan ng galit ang galit niya, ipaunawa mo muna sa kanya ang mga bagay-bagay, baka naman kasi misunderstanding lang ang lahat. Lalo kasing kumikitid ang utak ng taong galit.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022