✎ NAHUHULI MONG NAKATINGIN ANG CRUSH MO SA'YO

3.4K 59 24
                                    

"Andyan na si cruuussshhh!!!", nakakabinging sigaw mo sa bespren o barkada mo habang nakikita mo yung apple of the eye mo. Nagiging sadista ka rin pala kapag andyan yung gusto mo 'no? Sabunutan ba naman yung kaibigan. Yan tuloy, nagiging obvious ka.

Dahil sa tingin lang ni crush sa'yo nagiging assumera ang simpleng admirers lang na tulad mo.

Mga dahilan kung bakit nahuhuli mong nakatingin ang crush mo sa'yo:

1. Nawewerdohan sa'yo

2. Namamanyakan sa'yo

3. Naiinis sa'yo

4. Nasa likod mo ang tinitingnan niya, 'wag kang masyadong assumera

5. Ito yung gusto mong marining eh, may gusto rin siya sa'yo

Teka, dahan-dahan lang. Eh panay tingin talaga siya sa'yo kasi nga naman bayaran mo na yung utang mo sa kanya. O kaya naman, nakatingin siya sa kasama mo at hindi sa'yo. Assuming ka lang talaga. Kasi girlfriend niya yung bespren mo. Insert "O-U-C-H!" here.

Malay mo rin naman, may lihim na pagtingin sa'yo yung ugok na yun. Ugok kasi hanggang tingin lang, ayaw mag-"damoves". Baka natotorpe. Eh, wala tayong magagawa dyan. Torpe siya, pakipot ka. Ganda ng loves story niyo, pang-Star Cinema.

Paano mo malalaman kung may pagtingin din siya sa'yo? Edi, tingnan mo rin siya, 'wag kang manhid. Ang hirap kasi kapag love ang topic, ang daming side stories. Pwedeng ganito, pwedeng ganyan. Pwedeng dito, pwedeng doon. Pwedeng wala, pwedeng meron. Mahirap i-explain. Kasi nga napaka-broad ng love.

Anyway, kung hindi talaga magka-intertwine yang feelings niyo sa isa't isa ni crush. Then, let's call it a day. Marami pa namang bukas. Marami ka pang chance na maalila mo ang pintig ng puso niya. Yun nga lang, kung taken na siya, eh 'wag ka nang epal sa love story ng iba. Makakasira ka lang ng relasyon. Makakasakit ka lang ng taong nagmamahal din tulad mo. Dyan ka lang magmokmok sa tabi-tabi, stay put. Crush lang, bawal mag-"damoves".

Crush is paghanga. You will know later, if ipu-pursue mo ba ang pagkakarer dyan sa nararamdaman mo para sa kanya. It is just a matter of choice, dun ka sa hindi ka masasaktan. Dun ka sa walang ibang bisyo kundi ang mahalin ka.

Don't HOPE. Don't FALL. Don't EXPECT. Ano ka ba! Crush lang yan!

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon