Ang diskriminasyon ay ang pagtatrato ng masama sa isang tao o grupo. Maari rin itong katulad ng paghihiganti sa kapwa. Dahil dito napipilipit, nabibigyan ng maling kahulugan, o ipinagwawalang-bahala pa nga ng mga tao ang mga katotohanang salungat sa kanilang mga opinyon.
Lahat ng tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Subali't sa kabila nito, laganap pa rin ang diskriminasyon sa buong daigdaig. Nakakalungkot mang isipin ang katotohanang ito ay hindi lamang nagpapatunay na napakasama ng panahong kinabubuhayan natin, kundi ipinakikita rin nito na talagang hindi perpekto ang tao.
Mga dahilan kung bakit may diskriminasyon:
1. Istado ng pamilya
2. Kapansanan
3. Relihiyon
4. Kulay
5. Lugar na pinagmulan
6. Kasarian
7. Edad
8. Uri ng pamumuhay
9. Pride
10. Itsura
Kadalasan, dahil sa pride, nagiging mapagmataas at mayabang ang tao. Kaya baka isipin niyang angat siya sa iba o maliitin niya ang iba na mababa ang pinag-aralan o mahihirap. At kung naiisip naman niyang mas angat ang iba sa kanya, sinisiraan niya ang mga ito at hinihila pababa upang sa gayon siya naman ang nakataas-noo.
Ang ganda sanang mabuhay sa mundo kung puro pagmamahalan lamang at walang away o dili kaya ay diskriminasyon. Marami na kasing nasirang relasyon ang naidulot nito. Tanggapin na lang kaya ang bawat isa. Lahat naman sa atin ay may pagkakaiba, ngunit kung marunong tayong magpakumbaba at isipin na lamang ang ikakabuti sa isa't isa, marahil hindi na tayo makikipagbangayan. Seeing the unfamiliar is the most familiar things, so learn to accept it.
Dahil sa diskriminasyon o bangayan man, yung tunay mong mga kaibigan ay nagiging kaaway mo at yung mga kaaway mo naman ang nagiging kasangga mo, ngunit hindi mo alam na sa pagtalikod mo, marami nang punyal ang nakataga sa'yo.
"All human beings are born free and equal in dignity and rights. They are endowed with reason and conscience and should act towards one another in a spirit of brotherhood." — Article 1, Universal Declaration of Human Rights
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022