Mas madalas nating nakikitang umiiyak ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Mahina kasi sila sa emosyon. Mabilis nasasaktan ang kanilang damdamin lalo na kung dahil sa kanilang minamahal.
Ngunit minsan din, nakakainis na. Yung tipong wala namang rason, iyak pa rin ng iyak. Wala eh, kailangan natin silang intindihin. Baka naman kasi hindi mo lang siya nabibigyan ng atensyon. Baka wala ka nang oras para sa kanya.
Mga dahilan kung bakit umiiyak ang babae:
1. Nag-break na sila ng bf niya
2. May dysmenorrhea
3. Na-reject
4. Galit
5. May naaalala
6. Gusto lang ng atensyon
7. Pinaasa
8. Namatay ang alagang hayop
9. Bagsak sa subject
10. Hindi na alam ang gagawin sa sobrang busy
Sabi nga ni Rhadson Mendoza (MatabangUtak), "May mga bagay kasing nararamdaman ng husto pero kapag tinanong sayo eh hindi mo masabi. Kaya luluha ka nalang sa sobrang bigat. Hahayaan mo na lang umagos ang luha. Bakit pa magpapaliwanag gamit ang bibig? Kung pwede namang magsalita ang ating mga mata na dala ng luha?"
Umiyak ka, kung nasasaktan ka. Upang sa gayon ay mailabas mo ang nararamdaman mo. Upang huminahon ka na. Upang hindi ka na mahihirapan pang itago kung anumang hinanakit ang nakabalot sa iyong puso. Hindi naman ibig sabihin niyan mahina ka na, kundi dahil matagal ka nang naging matatag at kailangan mo nang ipabatid na hindi mo na kaya.
At saka, kung iniwanan ka man ng boyfriend mong walang hiya, naiintindihan kita. Syempre, masakit yun. Pero pakiusap lang naman kung nahuli mong may kalandiang iba yung hinayupak na yun, 'wag mong ubusin yang luha mo para sa kanya. Magtira ka rin para sa iba. Baka hindi ka na makakakita, kasi punong-puno na ang mga mata mo ng muta.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022