Yung feeling na sobrang excited ka. Nag-aabang ka na mag 12 midnight na para maka-greet sa kanya. Gumawa ka pa ng mahabang text message o chat na isesend mo mamaya. Tapos ang laman nun remembering the memories of your first date, first sine together, first meet and greet, at kung ano pang firsts niyong dalawa. Na thankful ka na naging part siya ng buhay mo. Na maswerte ka na nagkatagpo ang landas niyo. Na siya lang at wala nang iba. Na siya na talaga. Pero, may twist pala.
Lampas alas dose na pero di pa rin siya nagtext o nagchat. Kanina ka pa tutok na tutok sa cellphone mo pero wala pa ring galing sa kanya. Kaya ayun, ikaw na lang ang umunang naggreet. Hanggang nag-umaga, nagtanghali at papatakip-silim na, wala pa rin. At ang nasa utak mo, nagtatanong kung saan na ba siya. Nakasimangot ka na. Nakabagot maghintay sa wala.
I smell a-w-a-y. Nangangamoy goma na nga.
Mga dahilan kung bakit nakakalimot ang bf mong mag-greet sa monthsaries/anniversaries niyo:
1. Nagka-cramming sa paparating na exam
2. Pressured sa online job niya
3. Nayaya ng kaibigang maglaro ng DOT-A
4. Nakipag-inuman sa barkada
5. May hinahandang suprise para sa'yo
6. Baka wala siyang kalendaryo
7. Hindi lang siya mahilig mag-celebrate ng monthsaries
8. Hindi pa tapos sa tina-type ng message para i-send to many
9, Nakabundol ng ibang babae at sumama na dun
10, Wala na siyang pake sa'yo
Hindi naman sa wala siyang kalendaryo talaga. Meron lang kasing mga tao na nakakalimot sa kung ano na ba ang petsa ng araw. Alam niya kung kailan ang monthsary niyo, pero nakalimutan niyang ngayon pala ang date na yun, akala niya bukas pa. Parang ganun. May alzheimer kasi siya, baka naman sa susunod makalimutan na niyang mahal ka niya.
Minsan kasi sa sobrang busy ng tao, nawawala sa kanyang utak ang kanyang pinaplanong gawin. Hindi naman siguro sa wala na siyang pake sa'yo. Sadyang, may mga panahon lang talaga na nakakalimot tayo. Baka naman kasi hindi lang siya mahilig magcelebrate ng monthsaries, kasi para sa kanya, mas gusto niya ng anniversaries. Mas maganda naman kasi yun.
Pero greet lang naman yan. Di naman obligado ng bonggang selebrasyon. Simpleng greet lang para sa gunita ng araw na naging kayo. Simpleng greet lang para mapasmile mo ang gf mo. Simpleng greet lang para gumanda ang araw niya. Simple lang naman pero nakalimutan mo pa. Sige, magbigay ka ng rason kung bakit hindi ka nakatext. Sige, sabihin mo kung gaano ka kabusy. Pero wag mo siyang sisihin kung bakit siya nagagalit sa'yo. Wag mong palakihin ang issue na yan. Araw niyo yan. Para sa inyong dalawa yan. Ibaba mo ang pride mo. Alam mong nagkamali ka. Kaya magsorry ka sa kanya.
Kung may away man kayo, parang sa ukay-ukay lang yan. Hindi siya hihingi ng tawad kung hindi ka mahal.
Anyway, kung makakalimutin ka talaga, maglagay ka na lang ng reminder sa cp mo o di kaya naman tumingin ka araw-araw sa kalendaryo. Yun na rin kasi ang ginagawa ko ngayon. Tsaka, kung nagkasala ka, bumawi ka sa kanya. Gawin mo ang lahat para maerase lahat ng tampo niya sa'yo. Gagawin mo yan kasi mahal mo, at ayaw mong mawala siya sa'yo.
P.S. Hindi importante kung sino ang una o huling bumabati. Ang mahalaga nagmamahalan kayong dalawa, at pinapahalagahan niyo ang relasyon na meron kayo.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022