✎ KAILANGAN MO NANG NGUMITI

8.8K 111 91
                                    

Nakasimangot ka na naman?

Awat na. Hindi yan bagay sa iyo. Lalo lang bibigat ang problema mo kung nagmumukmok ka lang diyan, at hindi mo ito hinahanapan ng solusyon. Smile ka naman kahit konti lang, maraming rason para diyan. Tahan na, tama na ang mga oras na nasayang mo dahil nabwesit ka sa isang bagay. 

Mga dahilan kung bakit kailangan mo nang ngumiti:

1. Hindi mo pasan lahat ng problema sa mundo

2. Nakakapagpa-good vibes sa iba

3. Para sa bagong simula

4. Magkakabalikan din kayo 

5. Makakahanap ka rin ng taong mamahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa kanya

6. Isa yan sa plan ni God, maniwala ka sa Kanya

7. Nagiging mas attractive ka

8. Nakakapawi ng stress

9. Nakakaiwas ka sa gulo

10. Crush ka rin ng crush mo

Part na ng success ang failures. Hindi naman tayo perpektong tao para hindi magkamali. Ngunit kailangan lang nating itama at ayusin ang mga ito. 

Ngumiti ka. Baka hindi mo lang alam, may mga taong napapangiti sa mga ngiti mo.

Ang buhay kasi, napakaraming problema. Pero alam mo, hindi naman tayo binibigyan ni God ng pagsubok na hindi natin makakaya. Alam Niyang masosolusyonan din natin ito sa tamang panahon. 

Kaya awat na sa kakasimangot mo diyan, sige ka, nakakabaog yan.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon