Marami tayong hinahanap na mga katangian sa tao na kung minsan ay nagiging rason upang magkagusto tayo sa kanila. Ngunit kapag hindi naman natin ito nakita, eh wala, etsapwera. Kesyo ganito, kesyo ganyan.
Mga dahilan kung bakit natuturn off ang lalaki:
1. Nagmumura
2. Overloaded ng make-up ang mukha
3. Super haba ng kuko
4. Kahit sino nakikipagflirt
5. Dapat laging inaupdate sa ginagawa
6. Bad odor
7. Bungagera
8. Talo pa ang lalaki sa dami ng bisyo
9. Selos lang ng selos
10. Sobrang maarte
11. O.A. sa pagiging conyo
12. Yung babaeng ang hirap pangitiin
13. Nagpapahard to get
14. Lahat ng nagpapakilig sa kanya pinopost agad sa kahit saang social networking sites
15. Sinungaling
16. Laging pinag-uusapan ang ex
17. Daming binabawal
18. Burara
19. Chismosa
20. Sobrang clingy
Syempre, gusto ng mga lalaki yung hindi madaling makuha na babae. Yung tipong kailangan pang haranahin, ligawan, at hintayin ang sagot ng ilang buwan o kaya taon. Yung babaeng, hindi padalos-dalos sa kanyang mga desisyon. Oo, gusto ng mga lalaki yun. Kaso, wag mo rin sanang pahirapan to nth power, eh kasi nga natuturn off, yung nagpapahard to get lang. Kung may feelings na rin kayo, stay put lang, wag super hard to get. Marunong naman kaming maghintay, kaso ayaw lang naming pinaglalaruan. Mas mabuti nang mabasted kaysa sa pinapaasa lang.
Tapos yung talo pa kami sa bisyo. Nakakaturn off din yun eh. Eh kasi paano na kapag yung tayo na lang dalawa tapos yung you know na, yung k-i-s-s. Aba! Malapit lang yung ilong sa bibig, ang hirap kayang huminga sa may bad breath. Biro lang. Ang pangit kasing tingnan yung mga ganyan. Nag-ooverthink din kami. Ayaw rin naming niloloko lang.
May iba't iba tayong likes and dislikes. Malay mo, yung nakakaturn off sa iba, hindi pala sa kanya. Wag kang mapressure sa turnoff-turnoff na yan, hindi ka naman switch. Ayos lang naman magbago eh, basta ba kung sa ikakabuti ito. Kung mahal ka niya, mahal ka niya kahit may bilbil ka pa.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022