✎ NA-UNFRIEND SA FACEBOOK

7K 85 98
                                    

Annoying. Medyo may pagka-rude sa choice of words. Nonsense kausap. Masyadong Feeler. At kung ano pang ugali ang makakasalamuha mo sa Facebook. Sana hindi mo na lang in-accept kung ia-unfriend mo lang pala.

Aminin mo, babad ka lagi sa internet. Lalo na sa networking sites. Pero minsan kasi may makikilala tayong tao na nakaka-bad vibes, yun bang ayomo nang makausap for the rest of your life, at kahit pa sa second life. Hindi talaga natin maiiwasan yan, nasa atin na yan kung paano natin iha-handle ang mga ganyang sitwasyon. 

Ayon nga kay Winston Churchill, "Attitude is a little thing that makes a big difference".

Mga dahilan kung bakit na-unfriend sa Facebook:

1. Lagi nagme-message para magpa-like ng profile pic / post

2. Nonsense ang lagi ang status

3. Post nang post ng selfies

4. Ginagawang diary ang newsfeed

5. Nagra-rant lagi lalo na kung may away sa syota

6. Hindi naman talaga magkakilala

7. Nagse-send lagi ng new stocks ng ukay-ukay

8. Nila-like ang lahat ng pics kaya napagkamalang stalker

9. Ex

10. Parents mo

11. Magkaiba ng sinusuportahang kandidato

12. Lagi na lang nagpo-post ng paninda / TikTok vids

13. Naiinggit sa travel goals

14. Ayaw magbayad ng utang sa'yo

15. Pina-unfriend ng bagong gf/bf niya

At maaarrraaaammiiiiii pang iba!

Kung ma-unfriend man din kita, meron din akong rason para dun. Kaya 'wag ka nang magtataka. Siguro nga ia-unfriend na kita, kasi hindi ko matanggap na hanggang friends lang tayong dalawa.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon