✎ NANGANGALIWA

9.6K 81 56
                                    

Aminado tayong masakit kapag ang taong akala natin ay magtatagal sa ating piling ay bigla na lang mawawala na parang bula. Mas masakit pa dun ay ipinagpalit ka sa iba. Pinakamasakit kung sa pinagkakatiwalaang bestfriend mo pa.

 

Scenario lang yan, wag niyo masyadong dibdibin. Pero ang sarap ibitin patiwarik, balatan gamit ang nail cutter at lagyan ng kalamansi ang sugat ng mga taong nangangaliwa.

 

Mga dahilan kung bakit nangangaliwa:

 

1. Bored

 

2. Hindi marunong makuntento

 

3. Lagi mong pinapatawad

 

4. Pagkakilig sa iba

 

5. Maling pag-aalaga

 

Kung mali ang pag-aalaga mo sa iyong kasintahan darating ang panahon na mahihirapan siya sa inyong relasyon at dahil dito hahanap siya ng ibang tao na sa tingin niya marunong mag-alaga ng tama. Minsan, nagloloko siya kasi nagtatangka siyang kumawala sa gintong hawla ng inyong relasyon. Nasasakal kasi siya sa iyo. Bigyan mo rin kasi kahit konting space, magpamiss kayo sa isa't isa. Naboboringan na kasi siya kaya ganun na lang ang pag-aasam niyang makatakas.

 

Tapos kapag matamlay na ang relationship niyong dalawa at wala ng spark, mas gugustuhin pa niyang makasama ang taong nakikinig sa kanyang mga drama sa buhay, nakikitawa sa kanyang jokes at nakikisabay sa kanyang mga gimik.

 

Mahal na mahal mo siya kaya once na nagkamali siya, syempre papatawarin mo rin. Naghahangad kang hindi na siya uulit pa, subalit magbibigay udyok lang ito sa kanya upang gawing muli kasi ang nasa isip niya, atat ka sa kanya at handa kang patawarin siya. 

 

May mga tao rin kasing hindi marunong makuntento. Maghintay ka lang, makakarmahan din yang lokong nanakit sa puso mo.

 

Nobody is perfect, kaya kung mahal mo talaga siya, tanggap mo kahit ano mang flaws ang meron siya. Wag mong sayangin ang pagkakataong nakahanap ka na ng pagmamahal sa isang taong handang masaktan, lumigaya ka lang.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon