✎ MAY PAASA

4.9K 54 37
                                    

Broken hearted lang dahil kay crush, move on agad? Eh bakit kasi naniwala ka sa sweet words niya. Eh kasi naman, ang sarap sa tenga, di ba? Yung feeling na kilig to the bones at najijingle ka na lang bigla. Bakit kasi nahulog ka sa mga patibong niya? Kasi yung mga barkada mo tinutukso-tukso ka sa kanya, at sa simpleng "ayyiieee" nila, na-fall ka na.

Yung umasa kang may sasalo sa'yo kapag nahulog ka, wala pala. Yung tatayo ka na lang mag-isa, at pilit na kakalimutan ang sakit na naidulot nito. Minsan kasi sa buhay, nagiging tanga tayo.

Mga dahilan kung bakit may paasa:

1. Hobby niya

2. Revenge

3. Trip-trip lang

4. Naghahanap ng panakip-butas

5. Nagkagusto siya sa'yo

Marahil sa simula ay naghahanap lang siya ng panakip-butas at nagkagusto siya sa'yo. Ngunit kalaunan, naging cold siya. Yung akala niya magtatagal yung feelings niya para sa'yo ngunit hindi pala. Kasi mahal pa rin niya yung taong nanakit sa kanya. Meron din yung nagrerevenge. Yung tipong nasaktan mo siya nun tapos lumipas ang ilang taon, ikaw naman 'tong naghahabol na sa kanya. Gulong ng palad ang drama. 

Trip-trip lang ng barkada. Pinagpupustahan ka lang nila. O talagang hobby lang niya ang magpaasa. Masyadong naman yatang sadista, wala lang sigurong magawang matino sa buhay.

Actually, marami talagang instances ng ganitong paasa moments. Siguro nga iba rin yang story mo. 

Walang paasa, kung walang tanga. Oo nga naman, pero hindi kasi maiiwasang magpakatanga minsan kung yung taong mahal mo ang nagsasabing mahal ka rin niya. Yung iba kasi hanggang motibo lang, hindi ka naman kayang mahalin.

Teka nga, matanong lang. Paasa ba siya o sadyang assuming ka lang talaga?

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon