✎ MAHIRAP MAMBASTED

1.5K 25 1
                                    

Ayon sa mga boys, mahirap ang mabasted. Ayon naman sa mga girls, mas mahirap ang mambasted.


Hindi rin kasi ganun kadali ang sabihin sa isang tao na basted ka. Na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo. Na sorry, wala kang pag-asa. Na bored na ako sa pangliligaw mo. Na may gusto na akong iba. Na sagabal ka lang pala sa studies ko. Na sobrang kang makaastang boyfriend ko, hindi pa nga tayo.


Minsan kasi, may mga bagay na kahit anong pilit mo, hindi talaga umaakma sa panahon. Yung binigyan mo siya ng chance na magkakilala pa kayo, kaso dun din nawala ang excitement na mapalapit ka sa kanya. Parang tange lang 'no? Ginusto mong magpaligaw sa kanya, sa huli, babastedin mo ring lang pala.


Mga dahilan kung bakit mahirap mambasted:


1. Baka umasa na siya


2. Nakakaawa kasi todo effort na


3. Pogi at sikat


4. Naibibigay niya ang wants mo


5. Natatakot ka na baka sumuko na siya kaagad


6. Gusto siya ng friends at family mo para sa'yo


7. Suicidal


8. Bestfriend mo rin siya


9. Seryoso siya sa'yo


10. Sobrang mabait at ayaw mo siyang masaktan


Mahirap mambasted, masama ang magpaasa.


Syempre, umasa na yung tao kasi nga naman nasa stage na kayo ng ligawan. Pero okay lang namang mambasted ka sa kanya, kasi ang panliligaw, walang kasiguraduhan. Ligaw means "Nice to meet you? Where you been? I could show you incredible things." hanggang sa kalaunan, masasabi mo na lang "Magic, madness, heaven, sin. Saw you there and I thought, oh my God! Look at that face, you look like my next mistake."


Basta 'wag ka lang mag-atubiling sabihin ang tunay mong nararamdaman. Hindi mo siya gusto, sabihin mo. Gusto kasi naming mga lalaki yung dalisay at totoo ang sidhi ng damdaming naglalagablab na alay niyo sa amin, tulad ng mga ibong batid ang bugso ng hangin.


Ganun talaga ang buhay, may mga bagay na kahit anong pilit mo hindi talaga pwede. Pag-isipan mong mabuti. Alam ko namang ayaw mong nagpapaasa ng tao, dahil ayaw mong gawin din ito sa'yo.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon