Minsan ang puso pa ang nagdedekta sa utak kung ano ba ang dapat gawin nito. Kung palagi ka na lang nasasaktan, bakit ka pa ba mananatili sa isang relasyong wala namang kahahantungan?
Mga dahilan kung bakit may break-up ang magkasintahan:
1. Selos
2. Walang tiwala sa isa't isa
3. LDR o Long Distance Relationship
4. Third party
5. Ma-pride
6. Sawa na
7. Nakakasakal
8. Di maka-move on sa ex
9. Walang time at effort
10. Nahuli ng parents
Ayon kay Papa Jack, "Kung matagal ka ng nagho-hold on sa isang tao at wala pa ding nangyari, hindi let go ang solusyon dyan. Acceptance." Ika nga, kunting tiis lang magiging maayos din ang lahat. Pero ang sa akin lang, nasa sa'yo kasi ang desisyon eh, kasi kahit ilang beses mo mang tanggapin, alam mo na rin namang walang mangyayari sa inyo. Magpapakatanga ka na lang ba hanggang sa huli? Hanggang sa makita mo siyang maligaya na sa iba at ikaw na lang ang naiwanang umiiyak dahil sa kanya? Ang nakakapikon lang kasi na part, eh yung kahit may ginawa na siyang kalokohan, mahal mo pa rin.
Para dun naman sa mga nagsasabing, "Kahit na magkahiwalay tayo ngayon, sana tayo pa rin sa huli." Sarili niyo lang ginagago niyo. Isang malaking katarantaduhan lang yan. Kung ganun, sana pinaglaban niyo na lang para wala masayang na panahon.
Ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi parang susubo ng mainit na pagkain at iluluwa na lamang kapag napaso. Pag-isipang mabuti kung ano ang dapat na gawin dahil ang isang hakbang papalapit ay pwedeng maging isang hakbang papalayo.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022