Bakit kapag pinag-uusapan ang nangongopya, tinatamaan ka?
Truth hurts nga. Tapos, galit pa yung kinopyahan mo kasi mas mataas pa yung score mo kaysa sa kanya. Kaya nga lang, hindi ka magiging proud sa score mo kasi nga nangopya ka.
Nakaka-pressure talaga ang pagiging estudyante. At dahil dito, ginagawa natin ang lahat para lang makakuha lang ng malaking score sa klase. Kung kaya, kinokonsenti natin ang bad habit na ito. Students cheat when value is placed on grades instead of learning.
Mga dahilan kung bakit nangongopya sa exams:
1. Hindi naintidihan ang lesson sa discussion pa lang
2. Hindi nakapag-aral ng mabuti
3. Nape-pressure sa parents
4. Walang bilib sa mga sagot
5. Unfair ang prof
May mga exam kasi na nakadisensyo na para ibagsak talaga ang mga estudyante. Kaya kapag may nakitang chance, o umalis muna ang proctor, nangongopya na lang.
Kadalasan din, yung hindi sure sa mga sagot, kaya tinatanong na lang yung katabi kung ano ba talaga. Minsan, nagko-compare pa ng papers.
Wika nga, hindi ka nangongopya kung hindi ka nahuhuli ng guro mo. Walang gumradweyt nang hindi nangongopya. Pero mas mabuti talagang pag-aralan yung lessons na tinuturo sa atin. Para rin kasi sa kinabukasan natin ito. Kasi pagdating na ng board exams, hindi ka na makakakopya dun.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022