Inspirasyon. Yan ang hinahanap ng mga single para maka-move on. Para kahit minsan man ay mapangiti sila. Para may dahilan sila para maging masaya sa bawat araw na gumigising sila. Para pagbutihan ang lahat ng kanilang ginagawa. Para may kulay ang kanilang mundo.
Ngunit minsan sa labis na pag-aassume, nasasaktan. Hindi naman kasi sa lahat ng panahon sumasang-ayon ang universe sa gusto natin. Minsan yung akala mong inspirasyon ay nagiging dahilan ng iyong kalungkutan. Panandalian lang, kasi kadalasan ay walang assurance.
Mga dahilan kung bakit kinikilig:
1. Ka-text/katawag/kasama/ka-chat si CRUSH
2. May surprise sa'yo yung taong mahal mo
3. Sa fictional character
4. May napanood ka sa isang movie o nabasa sa isang libro
5. Nakita mo yung idol mong artista
Crush, ang dahilan kung bakit kinikilig ang mga single. Yung ba kamong, nakita mo lang o may ginawang napakaespesyal sa iyo, kikiligin ka na. O kahit sa bulong lang ng kanyang napakatamis na mga salita, para ka nang lalanggamin at abot-langit ang tuwa.
It is part of growing up ang ma-inlove. At part na rin ng ma-inlove ang masaktan. Tanggapin na lang natin kung saang sitwasyon tayo nakakulong sa ngayon. Makakatakas ka rin once matanggap mo na ito. Hindi naman palaging malungkot ang tao at hindi rin palaging masaya. Kung nasaktan ka man, magpasalamat ka. Kasi sa pamamagitan nun, nalaman mong buhay ka pa. Okay lang kiligin, 'wag lang masyadong mag-assume.
Pero, ang kailangan ko ngayon ay insPERAsyon. At sa tuwing umiihi na lang ako kinikilig.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022