✎ NAG-OOVERTHINK

2.7K 32 7
                                    

Overthinking out loud ba ang drama?

Hindi naman masama ang mamroblema sa mga problema. Minsan kasi, dahil sa hindi natin alam kung tama ba o mali ang ating nagawa. Kaya siguro ganun. Pero kung may habit kang lagyan ng twist ang lahat ng ito, eh malamang, mas lalala pa ang sitwasyon mo.

It's part of growing up. It's part of finding solutions to a problem. It's part of making yourself ready to face the challenges in life, and overcome the barriers. Oo nga naman. Kaya lang, naisip mo rin ba kung yang pag-ooverthink mo na yan ay nakaka-advantage para sa'yo, o naka-distract lang? Kumbaga, yung more on disadvantages lang.

Mga dahilan kung bakit nag-ooverthink:

1. Lack of confidence

2. Bullying

3. Gustong maging perfect

4. Pessimistic

5. Maraming hindi naiintindihang bagay

6. Lovelife

7. Constant worrier

8. Pera

9. Insecurity

10. Habit lang talaga

Lahat naman may weakness o yung something na nagpapafeel sa atin na imperfect tayo, at kailangan nating magbago for some reasons. At isa sa mga pakiramdam na yan ay dahilan ng insecurity. Oo, insecurity. Yung feeling mo hindi ka confident sa sarili mong makasalamuha ang ibang nilalang sa mundo. Yung feeling na natatakot ka na baka hindi ka nila gusto, na baka bina-backstab ka nila. Yung nag-ooverthink ka sa mga bagay-bagay na hindi naman kailangan. 

Nag-ooverthink din tayo minsan dahil gusto nating maging perfect ang buhay natin. Gusto nating lagyan ng konteng confetti man lang, o decorations para naman magandang tingnan. Pero, mas common yata ngayon ay sa lovelife. Aminin mo, kapag nakita mong may kasamang iba yung kasintahan mo, nag-ooverthink ka agad na baka ganito, ganyan, baka kalaguyo niya yun at ipinagpalit ka na niya at kung anik-anik pa. Yun pala, kamag-anak lang niya, o di kaya ay kapatid lang. Siguraduhin mo muna. Wag yung padalos-dalos ka lang sa haka-haka. Mahirap kasi kapag wala kang tiwala sa kanya. Masaya ka naman ba, na habang siya, nagtitiwala, ikaw naman, laging nanghihinala? Mag-aral na nga lang kayo ng mabuti.

Sometimes, overthinking kills your happiness. At mas malala pa, nag-ooverthink ka na nga, ino-overthink mo pa.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon