Minsan akala mo handa ka nang pumasok sa isang relasyon, ngunit hindi pa pala. Hindi pa kasi nag-sink in lahat ng mga aral na iniintindi mo mula sa iyong pagkakamali nun. Hindi mo rin kasi mapipilit ang sarili mo, baka makakasakit ka lang ng damdamin ng iba.
Mga dahilan kung bakit hindi ka pa handa sa relasyon:
1. Nasasaktan ka tuwing nakikita mo si ex
2. Wala kang tiwala sa kanya
3. Natatakot ka na baka saktan ka lang niya
4. Iniisip mong hindi ka na brokenhearted kung nasa relasyon ka na
5. Naiinggit ka lang sa mga kaibigan mo
6. Naghahanap ka ng taong makakatulong sa'yo upang makalimot sa ex mo
7. Nais mo lang maghiganti
8. Gusto mong makipag-date kasi nabo-bored ka lang
9. Mas inuuna mo pang i-pursue ang love kaysa sa mga interest mo
10. Nagbabakasakali kang mabigyan ka ng sense of worth and identity sa relasyon
Kung nasasaktan ka man kung nakikita mo si ex, malamang umuulan pa rin ng feelings mo para sa kanya, yun nga lang may halong hinanakit na. Kaya nais mong makahanap agad ng taong makakatulong upang makalimot sa lahat ng sakit na naidulot niya sa'yo, kaya yung taong yun ay magiging taken-for-granted lang. Nasa isip mo lang kasi ang makapaghiganti. Yun ring sitwasyon na naiinggit ka lang sa friends mo kasi in-relationship na sila, tapos naiwanan ka.
Hindi kompetisyon ang pagpasok sa isang relasyon. Hindi ito paraan upang maghiganti. Hindi rin ito minamadali. Kung brokenhearted ka pa, hayaan mo munang maghilom ang sugat sa puso mo bago ka makipagrelasyon ulit. 'Wag kang padalos-dalos sa desisyon mo para walang masaktan. Unahin mo na lang muna ang mga interest mo sa buhay kung hindi ka pa talaga handa.
Mahirap. Napakahirap. Kung yung taong mahal mo ay hindi pa handa upang tanggapin ka. Gayunman, kung nais mo talagang makuha ang tiwala niya, maghintay ka lang. Kahit pa makailang rejection pa ang matanggap mo, hangga't kaya pa, sige lang. Yung lang kasi ang tanging paraan.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022