✎ MAY STALKER

6.7K 79 35
                                    

Stalker.

Sila yung mga taong mas alam pa ang nangyayari sa buhay mo kaysa sa parents mo. O kaya may update sa lahat ng ginagawa mo. Basta yun. Minsan, ayos lang may stalker, kaso yung iba kasi naninira ng buhay ng may buhay.

Mga dahilan kung bakit may stalker:

1. Curious tungkol sa'yo

2. Kinaiingitan ka niya

3. May crush sa'yo

4. Gusto niyang ma-embarrass ka

5. Feeling invicible siya kasi hindi mo nakikita ang mga ginagawa niya

6. Nai-intimidate o nai-insecure siya sa'yo

7. Kulang sa pansin

Ayos lang naman maging stalker basta nasa tama yung ginagawa mo. Yung iba kasi, sinisiraan nila yung kaaway nila kapag may nakitang mali. Hindi mo naman maaayos ang buhay mo, sa paninira ng buhay ng iba. Mas mabuti pa, puntahan mo na lang siya at mag-usap kayo, 'wag yung pride lang ang ipinaiiral niyo, napaka-childish naman kasi niyan.

Minsan gusto natin malaman kung ano na ang nangyayari sa buhay niya. Lalo pa, na close friends kayo. At mas lalo pa, na may gusto ka kanya. Ayos lang yan, minsan kasi nahihiya tayong sabihin ang ating nararamdaman para sa isang tao kaya ito na lang ang ginagawa natin. Kaso may posibilidad na masasaktan ka sa mababasa o makikita mong post. Wika nga, "If you love someone, be brave enough to tell them, otherwise, be brave enough to watch them be loved by someone else".

Aminin mo, minsan ka na rin naging stalker ng crush mo. O kaya hanggang ngayon, stalker ka pa rin niya. 

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon