✎ MAY PAGSISISI

5.5K 47 29
                                    

Ayos lang magkamali, hindi naman tayo required na maging perfect. Hindi rin natin malalaman kung tama ba ang ating naging desisyon kung walang feedback. At hindi natin maitatama ang ating pananaw sa buhay kung hindi tayo nagkamali. Every decision gives you the oppurtunity to take credit for creating your own life. Kaya go with the flow lang. Magkamali ka man, mahahanap mo rin ang solusyon diyan.


Mga dahilan kung bakit may pagsisisi:


1. Naibigay mo na sa bf mo ang dapat sana'y sa mapapangasawa mo


2. Nagmamadali kang pumasok yun pala absent ang prof niyo


3. Nag-aral kang mabuti pero di pala tuloy ang exam 


4. Sinunod mo ang mga magulang mo sa kursong gusto nila para sa'yo


5. Nagtiwala ka sa manloloko


6. Nagpautang ka sa di marunong magbayad


7. Pinalitan mo pa ang sagot mo sa sagot ng katabi mo, yun pala tama na yung sa'yo


8. Binasted mo pa matino naman sana, tuloy napunta ka sa lalaking walang kwenta


9. Naniwala ka sa chismis


10. Kayod sa trabaho, nakakalimutan na ang family and friends


11. Nakipagbreak ka sa taong huli na nang marealize mong mahal mo pala talaga


12. Walang self-confidence


13. Hinayaan mong masira ang relasyon niyo


14. Tinamaan ka ng katorpehan, chance mo na sanang makadate siya


15. Nagkamali ka sa pagpili ng group of friends


Bad decisions are opportunity to master self-forgiveness. Syempre, masasanay ka ring patawarin ang sarili mo sa mga panahong clumsy ka. Tsaka yung maibigay mo na sa bf mo yung sana'y sa mapapangasawa mo pa, mahirap yun. Kasi may mga lalaking yun lang ang habol nila sa mga babae. Nagtetake advantage sila once malaman nilang inlove sa kanila yung gf nila. Mahirap kasi, kapag nakuha na nila ang gusto nila, baka taken for granted ka na lang. Hindi naman natin masisisi, nasa bagong henerasyon na tayo. Pero isipin muna kung tama ba o mali ang gagawin. Na baka pagsisihan lang sa huli. Kasi kapag naghiwalay kayo, wala ka nang pinanghahawakan pa sa sarili mo. 


Ngunit sa bawat pagkakamali, may hatid na aral. Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, dahil makakahanap ka rin ng taong makakatanggap sa mga kamalian mo sa'yong nakaraan, at mamahalin ka ng lubusan.


Sa bawat maling desisyon, makakagawa ka ng tamang desisyon. May mga pagsisisi man, dapat huwag kang magmukmok lang. Tumayo ka, at hanapin ang solusyon sa problema. Hindi naman ibinigay sa atin yan ni God kung hindi natin makakaya.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon