✎ AYOKONG NAGSE-CELLPHONE KA SA DATE

650 2 0
                                    

Yung sobrang excited ka dahil after ilang weeks na busy ka sa kaka-thesis o sa kaka-OT mo sa work, o kaya yung ang tagal niyong di nagkita kasi nga LDR, e sa wakas, magde-date na rin kayo. You prepared so well, nagpabango gamit ang bagong order na perfume sa AVON, nagkuskos ng mabuti para medyo pumuti gamit ang Kojic na bili sa Watsons, at para may pambayad o pang-ambag with tip mamaya, syempre, nag-ipon.

Well, sarap sa feeling pag kasama mo yung taong mahal mo, Yung taong gusto mong makasama araw-araw. Yung taong namimiss mo, na sa sobrang pagka-miss mo, imi-missis mo na sana. Yung sobrang sweet niyong dalawa, pero sa social media lang pala. Magkasama nga kayo pero cellphone pa rin inaatupag. Yung ang napaka-happy niyo sa pictures na post niya, pero in real life, ewan. Imbis na quality time sana, parang sayang lang pala.

Mga dahilan kung bakit ayokong nagse-cellphone ka sa date:

1. Nagiging dry yung moment

2. Let's talk muna

3. Sayang ang effort

4. Sayang ang oras

5. Nakakawala ng gana  

First thing, checking your phone for no reason like checking your social media account (Facebook, Twitter, Instagram, etc.) should be stopped while you're on a date. It feels like, you're glancing someone kahit na kasama mo ako. Yung feeling na may tinitignan kang ibang taong gusto mong puntahan at kausapin, na mas ibigay mo yung atensyon mo sa kanya kesa sa akin. It bothers me though. Okay sige, pa-picture tayo together. Sige post mo sa social media mo. Then leave it there. Mamaya mo na i-check yung likes and comments niyan kung nakauwi ka na or when on your way home para iwas abala sa date natin. 

Nagiging dry kasi yung moment natin together. All I want is to have a conversation with you. Sa tagal ba naman nating di nagkita, e ganyan ka pa. Sana di na lang tayo nag-date, usap na lang tayo sa chat. Gusto ko kasi i-share mo yung mga ginawa mo when we're afar from each other. "Sabihin mo kung paano mo pinalipas ang araw nang sa gayon ang para kasama na rin kita". Makikinig ako kahit pa ikwento mo kung ilang beses kang umutot. Makikinig ako sa'yo dahil sa date natin, at that very moment, focus ako sa'yo. Sana ikaw rin.

Sayang lang kasi ang oras pag ganun. Sayang ang effort, e kapagod pa naman maligo at magkuskos ng ilang oras para magbango sa'yo tapos ganun lang din ang outcome. Parang di rin tayo nagkita. Parang wala lang. Parang hangin na dumaan.

Nakakawala ng gana. Syempre, sino ba ang may gustong di ka kausapin ng kasama mo dahil tutok lang sa cellphone niya? Ikaw lang ba? Nakakairita kasi. Pag babe time, babe time.

Of course, there are times na kailangan talagang kunin ang cellphone at i-check for some important matters, baka tumawag si tita hinahanap yung anak nila, then fine. Syempre, kailangan mong sagutin yan, para sabihin mo sa kanila na wag mag-alala dahil kasama mo yung magiging manugang nila. O kaya sa school or work, then go. Replyan mo, wag lang aabot ng ilang oras. Baka makalimutan mo kasing nagde-date pa tayo.

Sometimes, there are couples out there na gingamit yung cellphone to start a conversation. Yung i-share niya yung videos na cute at nagustuhan niya then they will share there reactions about it. Yung issues sa social media, o kaya yung naglalaro sila. But it's not clear for me. I know cellphone has been part of our lives, but it may disrupt your relationship.

Focus on that person with you. Develop that interpersonal relationship. Build a connection. Talk to each other. If you want a long and happy relationship, dapat mag-usap kayo. Matutong mag-adjust.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon