Kapag magulang mo ang nagagalit sa'yo, pasok sa tenga, labas sa kabila. Pero kapag yung kasintahan mo na ang nagagalit sa'yo, pasok sa tenga, diretso sa utak, tagos sa puso, labas sa mata at may kasama pang luha.
Eh, buti pa yung kasintahan mo, dinadamdam mo talaga ang bawat salitang nabibigkas ng kanyang bibig sa tuwing galit at hinanakit man ang namumutawi sa kanyang tinig.
Ang lalim naman yata ng pinagsasabi ko.
Minsan kasi go lang tayo ng go sa ating mga ginagawa, without knowing na ikakagalit pala ng mga magulang natin ang mga ito. Kaya kung nagre-reason out tayo ay mas lalo pang iinit ang kanilang ulo kasi nga mali yung nagawa natin.
Mga dahilan kung bakit napapagalitan ka ng magulang mo:
1. Pasaway ka kasi
2. Di mo sinunod yung utos niya
3. Nagmamaktol naman kung inuutusan
4. Lagi ka na lang nagdo-DOTA (o kahit anong online games)
5. Nakababad ka na lang sa harap ng kompyuter
6. Puro text at tawag ng kasintahan yung inaatupag
7. Palagi ka na lang naglalakwatsya
8. Di marunong mag-budget ng allowance (kaya hingi ng hingi)
9. Bagsak ka sa quiz o exam (mas malala yung subject na)
10. Inuulit mo pa rin yung mga bagay-bagay na ikinagagalit nila
Sometimes, parents don't understand us.
May mga gusto tayong gawin na hindi bukal sa kanilang loob. Pero kahit ano pang sabihin natin, magulang natin sila. Ginagawa lang nila ang kanilang mga reponsibilidad sa kanilang pinakamamahal at pinakaiingatang mga anak. Kahit hindi natin sila maintindihan paminsan-minsan, dapat lang na mahalin natin sila.
Kung ano man ang problema natin sa ating mga magulang, tandaan na lang natin na kung hindi dahil sa kanila, wala tayo dito. At kung wala tayo, wala rin silang pinapagalitan kaya boring din ang kanilang life, hindi ba?
Hindi sila permaninte dito sa mundo kaya ipakita mo sa kanilang mahal mo rin sila, na ginagalang mo sila. Isipin mo, ang swerte mo kasi andyan sila para sa'yo. Eh yun naman talaga, kasi may magulang kang nakikita, nakakausap at nayayakap.
Maiintindihan mo rin sila balang-araw, kapag ikaw naman ang magiging magulang sa mga anak mo.
Teka lang, nasabihan mo na bang mga magulang mo sa araw na ito na mahal mo sila? Kung napagalitan ka man ay 'wag nang magtampo pa. Puntahan mo na sila, yakapin mo sila nang mahigpit at ibulong mo sa kanilang tenga, "I love you. Sorry na po."
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022