Tagged by @MyRequiem and @Kyrian18. Ewan ko sa kalokohang ito, pero magsusulat lang ako baka anong pang gawin nila sa akin. Sino kayang nagpauso nito? Walang epal. Basahin niyo na lang, please (with puppy eyes and pouty lips).
20 FACTS ABOUT ME.
1. Jelord Klinn D. Cabresos. Yan ang full name ko. Yan kasi ang nakalagay sa Birth Certificate/PSA, pagtingin ko kanina.
2. I studied BS-Electronics Engineering (ECE) at Mindanao State University - Iligan Institute of Technology.
3. Napagkakamalan akong medyo mas bata kaysa sa edad ko. [Assuming talaga ako.]
4. 5'5" ang height ko pero minsan 5'6" pag maraming nangungutang. Sad part is mas mataas pa yung kapatid ko, 5'8" or 5'9" siya. Deym.
5. Nakakain na ako ng "Bak-bak" (yung nakakain at maliliit na Palaka, yan kasi ang tawag dito sa amin), "Palaos" (Bayawak), "Halas" (Ahas), "Kabog" (Paniki), at "Iro" (Aso).
6. Kumakain ako ng kalamansi. Yung buong kalamansi. Huhugasan lang at hindi na binabalatan.
7. First honor ako nung kindergarten hanggang Grade 6. Hindi ko na alam anong nangyari pagtungtong ko sa High School.
8. Since 1st year High School ako nung sinubukan kong magsulat ng tula. [I remember, tinatapon at sinusunog ko mga scratch papers dati para di mabasa ng parents ko.]
9. Natatakot akong sumali sa mga writing contest.
10. I have written more than 500 poems/tula/balak. Hindi ko alam saan nalagay yung iba.
11. Naglalaro ako ng Chess at Basketball. Marunong na rin akong mag-Mobile Legends.
12. Marami akong sirang ngipin. [Minsan sira-ulo din.]
13. Gusto kong magka-ABS. Pero mas masarap kumain.
14. Favorite number ko ay 7. [Pwede ding 11 or 14.]
15. Favorite color? Anything basta may Blue.
16. Pinakapaborito kong ulam, Adobong Manok.
17. Kapag may trabaho at pera na ako, pupunta talaga ako sa Paris. [As of now may work na, pero di ko pa afford kaya diamonds na lang sa ML muna binibili ko.]
18. Hindi ako fan ng KPop, pero nanood ako ng KDrama.
19. Marcelo Santos III. Isa sa mga idol ko. Nabasa ko kasi yung stories niya sa Youtube, kaya nainspired akong magsulat ng stories. Juan Miguel Severo din nagpainspired sa akin magsulat ng spoken poetry.
20. I'm already a Licensed Electronics Engineer (ECE) and Electronics Technician (ECT). [Pa-expire na lisensya.]
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022