Ibang-iba ang damdamin ng babae sa mga kalalakihan. Kapag ang lalaki iniwan at tinalikuran ng babae, mabilis lang makamove-on. Pero kapag ang babae naman iniwan ng kanyang pinakamamahal, wala itong ibang gagawin kundi ang magkulong sa kwarto at iiyak ng iiyak hanggang sa malunod sa kanyang mga luha. Hindi na halos makakain, makatulog at yung iba pa nga magtatangkang magpakamatay. Ngunit hindi tama ito. Sadyang napaka-whatever lang kasi minsan ng life eh, kung magseseryoso ka, gagaguhin ka naman ng iba. Hindi lang naman lalaki ang laging may turnilyo sa utak at magloloko, may iilang babae rin dito sa mundo.
At saka, huwag masyadong magpaka-OA. Kung nasaktan ka man, huwag kang magpakamatay, makakahanap ka pa rin ng taong bibigyan ka ng halaga at mamahalin ka ng tunay. Huwag mo yang gagawin ha, nagpakahirap kaya ang parents mong gawin ka, lalo na ang nanay mo upang maipanganak ka, tapos ganyan lang? Magpapakamatay ka lang? S-R-S-L-Y? Anyway, hindi ka naman iiwan ng tao ng walang dahilan.
Mga dahilan kung bakit iniiwan ng lalaki ang babae:
1. Sawa na
2. Demanding ka
3. Natatakot siyang mawala ang kanyang freedom
4. Hindi magkasundo ang personalities
5. Wala nang spark
6. Hindi pa nakamove-on sa ex
7. May mahal na siyang iba
8. Sagabal sa education at career goals
9. Binabago mo siya
10. Wala nang tiwala sa isa't isa
11. Walang time
12. Natapakan ang pride
13. Maraming ayaw sa relasyon niyo
14. Trip ka lang niya
15. Nasasakal siya
Lahat ng babae ay may mga bagay-bagay na kailangan nila sa isang relationship. Gusto ng babae na may masasandalan sila sa kanilang mga problema, yung taong makakaasa silang hindi sila iiwan, makakapangiti sa kanila kahit na down na down na sila, yung secure sila at tapat na magmamahal sa kanila. Ngunit minsan, aabot ang magkarelasyon sa point na hindi na nila maiintidihan ang isa't isa. Nagiging insensitive, at sa konting frustration lang ay nasasaktan na agad at masasabi ng isa na, "Tama na!", may aalis at may maiiwan.
Minsan din kasi eh, ang hirap umintindi ng babae. Pero kung mahal mo talaga siya, edi intindihin mo! Huwag yung hahanap ka na lang ng mga rason upang iwanan mo siyang luhaan. Kung may conflicts, pag-usapan mo na upang luminaw ang lahat. Huwag ibandera lagi ang pride. Minsan, kailangang matapakan ang pride para maging okay na ang lahat.
Babaeng maganda? Marami niyan. Babaeng sexy? Tataba rin yan. Babaeng flawless? Tatanda lang naman yan. Pero ang babaeng loyal, sweet at selosa dahil ayaw niyang mawala ka sa buhay niya, iilan na lang ang natitira. Kaya kung nasa buhay mo na siya ngayon, huwag mo nang pakawalan pa. Huwag ka nang mag-isip na makakahanap ka pa ng iba, bigyan mo siya ng importansya para hindi siya mapunta sa ibang lalaki. Tandaan mo, isa lang ang babaeng darating sa iyong buhay na kayang unawain at tiisan ka sa lahat ng gagawin mo, isa lang ang kayang mag-unawa sa kung ano mang sitwasyon meron ka at isa lang ang kayang mag-tiis at nanaising magpakabaliw para lang sa iyo. Kung nararamdaman mong andiyan na siya, na parte na siya ng buhay mo sa ngayon, huwag ka na sanang mag-isip na may hihigit pa sa kanya, baka kasi magsisisi ka lang. Alam mo naman sigurong nasa huli lagi ang pagsisisi. Oo, may posibilidad na meron pang darating sa buhay mo na mas mamahalin ka ng sobra at higit pa sa pagmamahal na ipinapakita niya sa iyo, subalit hindi pa rin papantay sa kung ano ang kaya niyang gawin upang manatili ka lang sa piling niya. Huwag mo siyang sasaktan at papaiyakin. Don't take her for granted, treat her right.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022