Di mo alam kung anong nangyayari sa barkada at may biglaang gap na lang. Sayang naman ang samahan niyo kung mawawala lang, di ba?
Kasi nga napakasaya ng buhay kung andyan lagi ang mga taong nagbibigay ng ngiti sa'yo, nagsasabi ng minsan naman ay seryoso-pero-wala-pa-ring-kwentang advice, at tumutulak sa'yo kung kasalubong mo yung crush mo sa daan.
Mga dahilan kung bakit may biglaang gap sa barkada:
1. MU (Mis-Understanding)
Yung may di pagkakaintindihan lang sa barkada. Yung may nabitawan kang salita na di mo naman sinasadyang makasakit ng damdamin ng kaibigan mo.
2. SSL (Selos Selos Lang)
Halimbawa na lang yung matalik kayong magkakaibigan tapos ang dalawa sa inyo ay biglang in-relationship na ang status sa isa't isa. Eh syempre close kayo, so may tendency talaga na may magseselos sa kanila.
3. AAA (Away-Away-Away)
May nag-aaway sa barkada tapos iba-iba kayo ng opinion at pinaninintidigan. Di talaga maiwasang magkakaiba rin kayo ng kakampihan.
4. LDF (Long Distance Friendship)
Dati kayong mag-bestfriends sa elementarya at hayskul pero nagkahilaway kayo ng landas kasi iba yung pinasukan niyong unibersidad pagtungtong niyo sa kolehiyo. Magkalayo na kayo, syempre may iba na kayong group of friends na matatagpuan. Kaya kung minsan na magkikita-kita kayo, eh mahirap makisawsaw sa kanilang usapan, mahirap makisali, nao-OP ka lang.
5. NBNK (Not Blockmates Na Kasi)
Eh kasi di na kayo blockmates, kaya minsan na lang kayong nagkikita o nag-uusap sa school. Tapos kung magkasalubong man sa daan nagmamadali ka na sa next subject mo kasi late ka na at siya naman papauwi na.
6. LLM (Loving Loving Muna)
Loving loving muna. Lover's time, ikaw nga. Kasi yung dati niyong inaasar at tini-tease sa barkada ay nagkatuluyan, mag-on na sila. Syempre, hahanap at hahanap yan sila ng privacy, ng time na sila lang dalawa para mag-date. Itsapwera muna kayo. At kung minsan conflict yung date ng barkada sa kanilang date, malamang pipiliin nila yung sila lang dalawa. Kung minsan din eh, naggo-group date na lang at sasama sila sa inyo. Depende na lang yan sa sitwasyon.
7. BBL (Bitter Bitter Lang)
Di ba nga mag-on na yung muse at prince sa barkada, na lagi niyong inaasar at inaasam na magkatuluyan. Syempre, meron ding masasaktan dahil sa lihim na pagtingin, torpe kasi kaya naunahan. Kaya kung minsan kung may date ang barkada ay di siya sasama sa inyo para makaiwas lang sa sakit na dulot ng pag-ibig na naangkin na ng iba (ang lalim ah!). Pero ganun yun eh. At kung sasama man siya, mang-iinis lang din kayo at sabay-sabay pang magsasabi ng "Aaaawwwkkward!".
Kung nag-aaway-away man kayo sa barkada o may di pagkakaintindihan, dapat lang na pag-usapan ito at gawan ng paraan para maayos kaagad nang di pa lumaki ang gulo. Hindi importante kung sino ang mauuna, ang importante ay marunong kang magpakumbaba. Dapat lagi kayong nag-oopen up sa isa't isa.
At kung may ka-in-relationship ka man, wag mo pa ring itakwil ang barkada mo. Wag mo silang kalimutan. Dahil sila ang mas kilala mo at nakakakilala sa'yo. Ayos lang yung makikipag-date ka sa lovey dovey mo, eh normal naman talaga yun, kaso bigyan mo pa rin ng kahit katiting na time ang barkada mo para naman di sila magtampo sa inyo.
Ang barkada pa rin ang sandigan mo kung may problema ka man sa lovelife, at kung nag-break man kayo ng magaling mong kasintahan, babalik ka rin sa kanila upang magbuhos ng iyong hinanakit.
Dahil sa barkada tanggap nila kung sino ka, kung anong meron ka, kung anong wala sa'yo, istado ng buhay mo, at maging ang nakaraan mo at maiintidihan ka nila kahit anong klase pa ng ugali ang meron ka, kasi nga barkada mo sila. At sa barkada, walang break-up.
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022