✎ MAY NAHUHULI SA KLASE

25.2K 140 78
                                    

"Late ka na naman!" sumbat ng naka-1980's eyeglasses, puro uban ang kulot na buhok, taas-kilay at kunot-noo mong titser. 

Kasi naman, tapos na yung flag ceremony at natawag na ang apelyido mo sa class record niya. Bakit kasi ganyan na lang palagi? Pina-set-on-the-air ka pa habang may patong-patong na libro sa kamay mo, di ka pa rin nadadala? Kung ako sa'yo, kung ganun ka-terror, eh magbabago na ako. 

Siguro naman applicable lang yun sa elementarya. Kasi sa hayskul, pagsasabihan ka lang. At kung sa kolehiyo naman, eh wala nang paki ang prof niyo kung papasok ba kayo o hindi, nakakaintindi ba kayo sa klase niya o hindi, basta wala ring sisihan sa huli.

Mga dahilan kung bakit may nahuhuli sa klase:

1. Tinanghali ng gising

Marahil late na siyang natulog sa gabi, maaaring nagreview, nanood ng telebisyon o kaya sa kaka-chat sa kanyang crush. (Pwede ring sa kaka-text, kakatawag, kaka-twitter o kung anik anik pang dahilan para makalusot na lang)

2. Mabagal kumilos

Halos isang oras maligo plus isang oras na naman para magbihis, ano yan may date? Eh pupunta lang naman sa school. (Aah! Siguro nagpapaganda lang baka kasi makasalubong si crush sa hallway)

3. Walang masakyan

Lalo na kung ang estudyante ay manggagaling pa sa malayo o liblib na lugar. (Kayod-kalabaw kung mag-aral eh, saludo ako sa mga ganyang estudyante)

4. Traffic

Kasi nahuli ng gising tapos mabagal pang kumilos kaya naabutan ng traffic. (Pagawa ka na lang kaya ng zipline papuntang school niyo)

 

5. Hindi dumiritso sa eskwelahan

Siguro gumimik pa, biro lang. Baka may importanteng lakad na dapat munang unahin. Halimbawa, natatae, syempre magsi-CR muna. (Tumawa kayo please)

Malapit na ang summer. Kaya kung ganito ka man ngayong school year, magbago ka na sa susunod. Bawi-bawi rin pag may time.

Demand ka ng demand sa parents mo, yung grades mo in-demand din ba? At kung nahihirapan ka nang mag-aral, mas nahihirapan ang nagpapaaral sa iyo. Kunting motivation lang, makakaraos ka rin. 

"Education gives luster to Motherland— José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon