✎ NAGBABAGO ANG FEELINGS

1.4K 9 0
                                    


Ika nga, "Hindi siya manlalamig sa'yo kung walang pinag-iinitang bago". Baka naman kasi wala ka nung mga panahong maginaw, at nakahanap siya tapos mas mainit pa kaysa sa'yo, kaya nagbago. O baka naman yun lang talaga ang habol niya sa'yo at ngayong malayo na kayo sa isa't-isa ay nahihirapan siyang mag-adjust at naghahanap ng iba.

Reasons. Reasons. Reasons. Dapat nung una pa lang malinaw na ang relasyon niyong dalawa, o kaya meron ba talaga? Baka naman gusto niya ay momol lang at wala pa siya sa idea ng relasyon, ng responsibility, ng pagiging stick-to-one.

Mga dahilan kung bakit nagbabago ang feelings:

1. LDR

2. Not yet ready for commitment

3. Want to break free

4. It's not love in the first place

5. Life goals

LDR. Marami na ring cases niyan. Dahil magkalayo at selos ng selos, e kaya nagsawa. At baka meron namang mas malapit sa kanya. You know, if you love someone, you should stick to what you felt nung unang sandaling nasilayan mo ang kislap ng kanyang mga mata. E baka naman, it's not love in the first place. Nabighani lang. Admiration is often mistaken as love. Para sa akin kasi, wala nga naman talagang 'love at first sight'. Hindi ako naniniwala diyan. Kasi love comes once nakikilala muna talaga siya. Kung sino siya, kung anong wala sa kanya, at tanggap mo ito kahit ano pang mangyari. Then comes love.

Not yet ready for commitment. Takot na baka masaktan ulit kaya ang gusto ay chill-chill lang. Yung ang gusto ay walang label. Duhag mang ituring, maybe they have reasons deep inside. Gusto munang i-enjoy ang pagka-single, gusto munang mag-travel all alone, gusto munang namnamin ang bawat sandaling nawala nung mga araw na niloko siya. O kaya, hindi pa totally nakamove-on. O baka rin, nape-pressure dahil ipinakilala mo na siya sa buong angkan mo, ni hindi pa nga klaro kung anong relasyon niyo, o kung meron bang 'kayo'.

Want to break free. Nasasakal. Naiirita. Nababago rin ang feelings. Wag namang sakalin ang bf/gf. Tao rin yan kailangang makahinga. Hindi mo siya pagmamay-ari. Dahil pag mahal mo, hindi mo siya kailangang angkinin. Kailangan mo siyang alagaan at pagtiwalaan.

Baka naman kasi mas gusto niyang mag-focus muna sa kanyang life goals kaysa sa relationship goals. Gustong unahin muna ang career. Gustong mag-ipon at makatulong sa pamilya. Marami pa kasing utang na babayaran. Ayaw lang niyang may iisipin pang iba. Ayaw niyang mahati ang kanyang atensyon, and in the end, maghihiwalay lang din naman pala. Kaya mas mabuting hindi na muna papasok sa relasyon.

Well, kung ano man talaga yang dinidibdib mo sa ngayon, wag ka lang maging unfair, sabihin mong ayaw mo na o ayaw mo muna. Sabihin mong gusto mo ng space. Na gusto mo palang maging astronaut. Na itigil muna ang kahibangan at hindi ka pa sigurado sa iyong nararamdaman. Sabihin mong nagbago na ang feelings mo para sa kanya. Dahil kasalanan mo rin naman kung bakit siya umasa. 

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon