✎ KADALASAN NAIINLOVE ANG BABAE SA BADBOY

5.7K 72 42
                                    

"Wala na bang matinong lalaki ngayon?" kadalasang singhal ng mga babae. Tsaka naririnig at nababasa ko rin sa dyaro, este sa social networking sites. Eh, ayun oh! Finifriendzoned mo. Matinong lalaki ang hinahanap, sa badboy naman naiinlove. 

Actually, may classifications ang pagiging badboy. May Badboy na Papansin, Badboy na Mainitin ang Ulo, Badboy na Tsansing, Badboy na Suplado, Badboy na Walang Modo, Badboy na Arogante, Badboy na Insensitive, etc. At kahit na gaano pa kabadboy, nagugustuhan pa rin ng babae. Tapos yung moment na makikita mo siyang nag-iskateboard, naging slomo, tapos biglang kang nabundol, aayusin ang eyeglasses sabay kuha sa nahulog mong libro, itatapon sa kanya at sasabihin mong "Gangster!" 

Osya tama na. Di rin natin masisisi, mas naaattract kasi ang mga babae sa hindi torpe.

Mga dahilan kung bakit kadalasan naiinlove ang babae sa badboy:

1. Feel niya secure siya

2. Hindi boring kasama

3. Gusto ng babae na siya ang maging rason sa pagbabago ng isang badboy

4. Challenging

5. Masarap kausap

6. Nakukyutan ang babae kapag nagsimula ng magselos

7. Protective

8. Misteryoso

Ang babae kapag iniignore, nachachallenge at nafafall. 

Priority yata kasi ng babae yung security. Yung feel nila safe sila kapag kasama nila yung lalaking nagugustuhan nila. Gusto rin nila, syempre, na protective ka sa kanila, hindi boring kasama at lagi mo silang napapatawa. Diyan ka nagkakaroon ng chance. Masarap kasi sa pakiramdam na nagbago yung taong mahal mo para sa'yo. Yung bad habits niya, ibinaon niya para sa'yo. Yung ganung instances.

Iba't iba ang mga babae. Merong naiinlove sa medyo astig at badboy. Pero piniprefer pa rin nung iba yung walang bisyo sa buhay. Yung bisyo lang ay ang mahalin sila. Basta once tinamaan ka na sa taong gusto mo, wala ka nang kawala. 

Basta ang masasabi ko lang, kung gusto mong mainlove sa'yo ang babaeng gusto mo, magpakatotoo ka. Gasgas na yan. Bsta ipakita mong sincere ka sa kanya. At kahit ilang beses ka mang mabasted, try and try until you succeed. Magsasawa rin yang ibasted ka at sasagutin ka na. Pero kung feel mong wala talaga, move on na lang. Wag mong sayangin ang pagmamahal mo sa taong hindi nakikita ang iyong importansya.

Sa babae naman, puso ang dapat tumibok hindi ang mata. Looks can be deceiving. Wag basta-bastang umoo, kilalanin mo munang mabuti yang lalaking pinapangarap mo. Madalas kasi nating nakakalimutan ang pagkakaiba ng infatuation sa love.

MGA DAHILAN KUNG BAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon